Baler 49

95 13 1
                                    

Wala akong pake

Warning (Onting SPG haha)

Nakahilig si Adrian sa aking dibdib at mukhang tulog na tulog, ako naman ang hindi mapakali dahil hindi ko parin makuha ang mga nangyayari.

Nag stop over muli kami sa isang gasolinahan sa expressway, kaming dalawa lang ni Adrian ang naiwan sa loob since lahat sila ay lumabas para mag CR at bumili.

Hinayaan ko ng matulog si Adrian sa tabi ko, parang na ulila ampota, katulad ng dati mahigpit parin siya yumakap sa akin na parang aalis ako sa kanyang tabi.

Ang dami kong tanong, kanina pa sila tinanong kaso parang mga bingi at hindi ako sinasagot.

"Baliw ka talaga Adrian, dapat hindi niyo na ginawa 'to, mapilit kayo" Bulong ko at yumuko sa kanya.

"Sana kasi hindi mo ako binaliw" Nagulat ako ng mag salita siya.

"Che! Ang sama mo talaga!" Ani ko.

"Ako na naman ang masama dito" Nag angat siya ng tingin sa akin at nag baby face kaya bahagya ko siyang sinampal.

"Aray! Masakit!" Daing niya at hinimas ang pisngi.

"Mas masakit pa dyan ang dinanas ko noong nakita ko kayo!" Kunot noo kong sabi sa kanya.

"Na pag-usapan na natin 'to 'di ba?" Malambing niyang sabi at humalik sa leeg ko, agad naman akong umiwas.

"Kahit na masakit pa rin" Ani ko.

"Mutya... pinapili ako ni Ava kung sino sa inyong dalawa ang pipiliin ko, kaya nga nandito ako ngayon dahil pinili kita, Amulet papakasalan kita" May lungkot ang tono ng boses niya.

"Sana naman kasi inayos niyo muna lahat 'di ba? Sana 'yong hindi ganito na kikidnapin mo ako at hindi ka sisipot sa kasal niyo, sana kinansela niyo nalang" Nasapo ko ang aking noo.

"Ayaw mo i-cancel ko 'di ba? Edi tinuloy pa rin namin pero hindi ako sisipot" Pilyo siyang ngumiti.

"Ava can handle the wedding, nag usap na kami ng kapatid niya, ang mga magulang lang namin ang mapaprank" Humalakhak siya ng tawa.

"Adrian bakit ka ganyan? Alam mo bang nasasaktan mo na si Ava?" Singhap ko.

"Alam ko, pero ginusto niya rin naman ah? Pinapili niya ako at alam kong alam niya na ikaw ang pipiliin ko at hindi siya" Paliwanag pa niya.

"Kahit pa Adrian, sana hindi mo nalang ako nagustuhan para wala ng masaktan!" Nag halukipkip ako at tumingin sa labas.

"Pag-aawayan pa ba natin 'to Amulet? Nandito na ako, ikaw na ang pinili ko ano pa bang gusto mo?" Huminga siya ng malalim.

"Ang gusto ko ayusin mo lahat 'to, sabihin mo sa lahat ang plano niyo para hindi si Ava ang pamilya mo ang mukhang kawawa dito!" Singhap ko.

Napakasama ng idea nila, maling-mali, dapat hindi niya iniwan si Ava at ang pamilya niya sa church, I mean dapat sinabi nalang niya nang maayos na hindi niya na papakasalan si Ava bakit kailangan hindi pa niya sisiputin? That's a shame for them, for their families.

"Ayaw mo na ba sakin? You didn't want to marry me don't you?" Nagulat ako sa tanong ni Adrian.

"What? Anong pinagsasabi mo? Gusto mo umpog ko ulo mo?" Inis kong sabi sa kanya, kung ano-anong naiisipi nakakainis.

"Bakit parang gustong-gusto mong matuloy ang kasal namin ni Ava? Bakit ba gusto mong siputin ko siya? Ayaw mo bang makasama na ako?" Sunod-sunod niyang tanong.

With the Waves Again (Baler Trilogy) [Under Polishing]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ