Baler 19

71 14 0
                                    

Tour

Nag-park na si Papa sa aming bagong garahe. Nakakapanibago lang dahil pina-renovate nila ang buong bahay noong may pera na kami. 'Yong dating garahe namin na parang tambakan lang ay mas maayos ng tignan ngayon.

Simpleng two story house lang ang bahay namin. May garden, bakuran, garahe, at may teresa. Mas maayos at mas maganda ang bahay namin ngayon kaysa noong umalis ako.

Napangiti nalang ako sa kulay peach naming bahay. Pumasok ako roon mula sa main door ng bahay. Ang ganda na ng salas, kumpleto na rin ang mga muwebles, nakakapanibago naman.

Pagkatapos ko mapasadahan ang buong bahay ay na pagdesisyonan kong pumunta na sa aking kwarto. Simple lang ito, para ka paring nasa beach dahil kulay light blue ito at may mga decorations na shells, water, surfboards, etc. na may kinalaman sa mga hilig ko sa buhay.

Maging ang aking kama ay parang dagat din, ang kumot ay may desenyo na crystal clear water at ang mga unan ay may desenyong buhangin, pinsadya ko 'yon. Sabi ko kay Mama noong nasa amerika ako ay gusto ko ng ganong higaan kaya ayan, pinagawan nila ako, hindi naman ako nabigo kasi ang ganda-ganda talaga.

Napagdesisyonan kong maligo muna at mag bihis bago matulog. Nang matapos akong maligo ay huminga na ako sa aking kama, hay! Ang komportable naman. Ang sarap humiga at matulog, malambot ang kama kaya hindi ako nahirapan matulog, siguro ay dala na rin ng pagod.

*****

Sa sobrang pagod ay tinanghali ako ng ako ng gising; mabibigat ang aking mga mata na dumilat, parang labag pa sa kanila na gumising kahit tanghali na, nilingon ko ang wall clock sa harapan ko at alas-dose na ng tanghali, bumangon ako at naligo.

Pagbalik ko sa kama ay nakita ko sa side table ko ang phone ko na lumiwanag; hudyat na may notification, dinampot ko 'yon at tinignan ang mga notifications.

Puro late greetings at mga mensahe mula kina Pearl, Isagani at Adrian. Baka nangangamusta na sa akin.

Una kong binuksan ang kay Pearl, syempre kaibigan muna.

Pearly shell in the ocean:
Morning, girl! Ang sarap ng gising ko ngayon, yay! Guess what, ipapakilala ako ngayon ni Isagani sa Mama niya, wahh! :D

Napangiti ako sa mensahe ni Pearl. I'm so happy for her. Alam kong tama lang para sa kanya ang isang Isagani. I know the both of them. Syempre ay pareho ko silang kaibigan kaya alam kong bagay at magkakasundo sila.

Kung natiis nga ni Isagani ang ugali ko how much more kay Pearl? Mas malala 'yon pero alam kong kakayanin 'yon ni Isagani, sinanay ko yata.

Me:
That's great, girl! Makilala mo na si Tita. Mabait 'yon wag kang mag-alala. Take care :)

Sumunod kong binuksan 'yong kay Isagani na pareho lang ang nilalaman gaya ng kay Pearl, ang sabi niya ay ngayong araw niya ipapakilala si Pearl kay Tita. Nireplyan ko siya ng good luck at lumipat ako sa limang mensahe ni Adrian.

Mr. IDKWIH:

-Morning, Mutya! Kumain ka na ba? :)

-Are you awake? Hmm...mukhang hindi pa. Napagod ka siguro kagabi ano? Haha.

-Hey, pretty, gising na tanghali na. Pumayag ka na i-tour ako ngayon :<.

With the Waves Again (Baler Trilogy) [Under Polishing]Where stories live. Discover now