Baler 26

67 13 0
                                    

Iniibig kita, Binibini

Pumasok kami sa gate ng bahay ni Doña Aurora Quezon, pag pasok mo ay bubungad sayo ang garahe sa ilalim, sa gilid nito sa harap ay isang hagdanan paakyat.

Sa garahe naka tambay ang mga namamahala ng bahay o ang mga admins, nag bayad kami ng 40 pesos ni Adrian para sa entrance fee dahil bente pesos ang isa.

Malapit lang ang bahay ng Donya sa bahay ni Lola, walking distance lang talaga.

Paakyat na kami sa hagdanan ng magulat ako dahil sa pag dausdos ng kamay ni Adrian sa aking bewang.

Hinayaan ko na 'yon at nag patuloy paakyat, pag pasok mo sa ikalawang palapag ay bubungad sa iyo ang sala, sa gilid nito ay isang kwarto, at sa dingding noon ay may maling obra nila Pangulong Manuel Quezon at Doña Aurora na naka tapat sa salas.

Sa gilid ng pintuan papasok ay ang kainan nila na may six seater table. Sa gilid ng hapag ay may malaking bintana, sa gilid ng bintana ay may pintuan at hagdan pababa sa bakuran.

Kumbaga ayon ang kanilang back door, sa sala ay may bamboo sala set, mga common na upuan at maliit na mesa sa probinsya.

Sa hapag nila ay may mga antique naman na kubyertos at mga plato na may disenyo.

Pumasok kami ni Adrian sa kwarto, nililibot niya ang paningin sa buong bahay, pag pasok mo sa kwarto ay may malaking bintana at may mahabang kahoy na nakatukod dito para hindi sumara.

May mga naka display rin na lumang gamit, mga panahon pa yata ng kastila o amerikano, tulad ng plantsang de uling, yung nilalagyan pa ng uling para uminin? Tyaka mabigat raw 'yan.

Sinubukan kong hawakan ito, lumang-luma na talaga at mukhang gamit na gamit.

Mayamaya pa ay sinubukan ko itong i-angat, medyo mabigat nga at nakakangalay, buti nalang at de kuryente na ang ngayon.

"May alcohol kang dala? Mag alcohol ka, ang dami nang humawak niyan," Napalingon ako kay Adrian sa aking likuran na naka pamulsa at naka tingin sa akin.

"Uh, meron" Sabi ko at kinuha ang alcohol sa aking sling bag at nilagyan ang kamay ko.

"Good" Aniya at ginulo ang buhok ko bago tumalikod at lumabas ng kwarto.

Nag stay muna ako sa kwarto at dumungaw sa malaking bintana, tanaw ko mula roon ang bakuran at kabilang street, ang bahay ng Donya ay hindi nalalayo sa bahay ni Lola mas malaki nga lang ang kay lola at detalyado ang mga dingding at disenyo.

Mayamaya pa'y nakita ko si Adrian na bumababa ng hagdan mula sa back door.

Ng makita niya ako ay agad niya akong nginitian at kumaway, I waved back, I see his eyes starring straight to me, his handsome smile that he gave me, his hand that he waved for me, shet I'm so kinikikig HAHA.

"Wait!" Aniya mula sa baba at sumenyas na sandali, ganito pala ang pakiramdam ng hinaharana?

Madalas akong dumungaw sa bintana kapag doon ako sa bahay ni Lola natutulog, pero ngayon lang ako dumungaw ng may isang lalaki sa baba at naka tingala sa akin, nakakatuwa sa pakiramdam.

Marami ang mga turista kaya medyo marami rin ang kasama namin dito sa bahay ni Doña Aurora, may iba rin pumapasok sa kwarto at tinitignan ang loob nito, mayroon ding dumudungaw sa bintana tulad ko.

"Mukhang na gustuhan mo na dyan ah" Tumalikod ako sa bintana para makita si Adrian, naka lagay ang dalawang kamay niya sa kanyang likuran at lokong ngumiti sa akin.

"Oo, medyo, ang ganda kasi ng view" Ani ko at tumalikod sa kanya para humarap muli sa bintana.

"Mas maganda ka" Napangiti ako kaya nilingon ko siya, nawala ang ngiti ko dahil sa kumpol ng mga bulaklak sa harap ko.

With the Waves Again (Baler Trilogy) [Under Polishing]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant