Baler 13

102 17 0
                                    

Friends

Pagkatapos ng usapan namin ay umuwi na kami. Isagani will stay here at the hotel, tinamad ng umuwi ang mokong dahil gabi na raw.

Ayos lang since dalawa naman ang kama ng kwarto, eto pa rin ang kwarto na inakupahan namin noong galing akong states, hindi pa ako bumibisita sa bahay namin kasi tinatamad pa ako pumunta roon.

Mama is always calling me para kumustahin ako rito dahil hindi nga ako umuuwi ng bahay, maybe one of these days pupunta ako pero hindi muna ngayon, busy-busihan ako.

Si Papa naman ay araw-araw na nasa resort para tignan ang mga nangyayari. Balak din yata nila na magpatayo pa ng bagong hotel dito sa loob ng resort namin since dumadami na ang mga turista at lagi na kaming fully booked.

Iniisip ko rin kung dito nalang ba ako magta-trabaho sa resort since sa amin naman ito, pero gusto kong i-try ang ibang fields sa finance.

I checked my phone kung may reply si Pearl. Nag-text ako sa kanya na ipinasa ko kay Calvin ang mga pinapagawa niya sa akin, hindi naman siya nag-reply sa text ko. Malamang naiinis 'yon ngayon.

Ewan ko ba roon kung bakit ayaw kay Calvin, wala namang ginagawang masama ang tao, gwapo rin naman 'yon at mabait o siguro ay si Isagani pa rin ang gusto ng aking maarteng best friend.

Hinalo ko ang kapeng tinitimpla ko at inilapag ang kutsarita sa platito. Dumiretso ako sa teresa kung nasaan si Isagani na naka-upo sa isang woodeng bench at mukhang may malalim na iniisip.

Naka-topless siya kaya kitang-kita ang detalyado niyang katawan, naka black siyang pantalon, na suot niya kanina pa dahil galing sa trabaho.

Tumabi ako sa kanya at tinignan siya. Parang hindi niya naramdaman na nandito ako dahil sa lalim ng iniisip niya kaya tinapik ko ang kanyang binti.

"Huy!" Agaw atensyon ko sa kanya at napakurap siya tyaka lumingon sa akin.

"Ayos ka lang? Mukhang tambak ng problema 'yang utak mo ah" Sabi ko at sumimsim ng kape.

"Hindi naman, hindi naman ganon ka lalim ang iniisip ko" Aniya at ngumisi.

Madalang ko lang nakikita si Isagani na nagmumuni-muni or malalim ang iniisip. Hindi rin kasi iyan nagsasabi ng problema sa akin ever since kaya nakaka-curious kapag nakikita ko siyang ganyan.

"Mind if you tell me?" Ani ko at sumandal sa bench,. pinatong ni Isagani ang kanyang kanang binti sa kaliwang binti at ipinatong ang kanang braso sa aking likuran.

"Naiisip ko lang kung maghanap na kaya ako ng girlfriend? Twenty five na ako at puro trabaho ang inaatupag ko, siguro oras na para magbukas ng pinto para sa mga babaeng nagkakagusto sa akin. What do you think?" Nagulat ako sa sinabi niya.

Una sa lahat, ayaw na ayaw niyang pinag-uusapan ang relationshit niya, ayaw niyang mag-girlfriend dahil sakit lang daw iyon sa ulo at gastos sa pera na dapat ay iniipon niya, sabi niya noon ah? Nag-iba na yata ang pananaw ng mokong ngayon.

"Edi maghanap ka na, kung na buburyong ka na sa buhay mo marami ka namang pwedeng ligawan diyan. Si Pearl?" Napapikit ako ng mata.

Nadulas ako! Sikreto nga pala iyon hanggang ngayon, umiling-iling ako at napa-face palm. Lecheng buhay 'to mapapa-aga pa ang pagkikita namin ni Lord.

Sigurado akong kakatayin ako ni Pearl kapag nalaman niya na nadulas ako sa kanyang 'long time crush'.

"What? What about Pearl? Curious na tanong ni Isagani at nagtaas ng kilay.

Kinagat ko ang aking hintuturo. Aaminin ko na ba? O idedeny ko? Malilintikan ako kay Pearl, nakakainis naman! Kailangan kong humanap ng mabisang palusot.

With the Waves Again (Baler Trilogy) [Under Polishing]Where stories live. Discover now