Chapter 1

107 2 3
                                    


Labag sa loob kong isinara ang alarm clock sa tabi ko. Kung makapaggising naman, ang OA masyado. Dali-dali akong pumunta sa banyo para maligo at magbihis. Wala namang special sa akin kaya wala rin special sa kwentong ito.


"Charm! Ano ba naman yan, college ka na pero mukha ka pa ring tae!" Singhal sa akin ni Kuya Bright.


Kala mo naman sa kanya ang pogi. Ewan ko nga ba kung bakit ang daming babaeng nagkakandarapa dito. Maputi lang naman si Kuya, hindi kagaya ng akin na morena. Lahat sa kanya pangit!


"Alam mo ikaw! Mauna ka na lang sa school! College na ako at hindi ko kailangan ng sundo na gaya mo! Kamukha mo si kamatayan! Pwe!" Inis kong saad sa kanya bago isinubo ang mabangong sinigang ni mama.


Alas otso ng umaga ang pasok ko pero dahil may flag naman ay okay lang malate ng very very slight. Usually kasi ay 8:30 natatapos ang flag. 7:30 pa lang naman ng umaga.

Second year college na ako sa kursong Food Science. Bakit ito? No choice. Sayang kasi ng free tuition sa BSU. Okay lang naman na mapagkamalan kaming cooking students when in fact, walang-awang chem subjects ang kinakaharap ko sa araw araw.


Thinking about my desire in serving the people, I believe I can still pursue my dream profession - yan ay ang maging isang abogada. Hindi ko nga lang alam kung paano pero kaya ko naman siguro.


Nagmadali ako sa pagtakbo sa hallway lalo na dahil mukhang maaga natapos ang flag ceremony every Monday.


"Di ka pa late! Chill lang!" Panunuya sa akin ni Rose.


"Wala pa si Sir Bordeos?" I asked her.


"Sana di na si Sir pumasok!" Utas ni Ella. Alam naman naming lahat na malabo yun mangyari.


"Nasa BMC daw si Sir. 50/50!" Biro naman ni Jerard.


Sila ang mga kaibigan ko. Mali. Sila ang mga walang-hiya kong kaibigan. Ilang minuto lang ay pumasok na si Sir Bordeos dala ang kanyang laptop at projector. Mahaba-habang dasal na naman ang mangyayari. Pano ba naman kasi ay nasa 200 plus na slides within one meeting. Galing diba?


Napatingin ako kay Rose ng kalabitin niya ako sabay nguso sa labas. Mula doon ay nakita ko ang ultimate crush ko. Oo cyst! Ultimate crush! As in!


"Pogi niya talaga." Kinikilig kong saad kay Maying.


"Pogi nga snob naman!" Pambabara nito sa akin.


Paano ba naman kasi ay nag hi ako sa kanya one time pero itong si Liam ay hindi man lang ako tiningnan. He's Liam Imperial, second year college, Engineering student. Mula nung orientation palang nakita ko na si Liam. Pano ba naman kasi ay ang tangkad niya. I think he's height is like 5'11 something. Mestizo, tahimik, pero sobrang gwapo kapag nakangiti.


"Mapapansin din ako niyan. You wait and see." I confidently told Rose sabay kindat sa kanya.


Alas otso hanggang alas dose ang pasok namin kay Sir Bordeos. Microbiology ang subject namin sa kanya. Boring na nga ang lesson, nakakadiri pa ang ginagawa namin sa laboratory.


Lunch time came. Madalas ay nakikita ko sa hallway si Liam kasama ang kanyang mga kaibigan. Parehas siguro kami nasa alas dose ang out.


As much as I want to follow him on where he eats, loyal kami sa karinderya na kinakainan namin ng mga kaibigan ko.


Halos mailuwa ko ang kinakain ko ng makita ko si Liam na bumibili ng ulam niya. Sa pagkakaalam ko ay hindi sila dito kumakain. Change of mind, siguro?


"Feeling ko talaga sinusundan ako ni Liam." Mayabang kong saad sa mga kaibigan ko..


"Ang assuming mo! Hindi ka nga pinansin nung nag hi ka eh." Pambabara sa akin ni Ella.


Inirapan ko na lang ito pati si Rose na tawang-tawa rin. Nang mapansin ko na kukuha ng tubig si Liam ay mabilis akong kinabit sa kanya. Kunware kukuha rin ng tubig. Para-paraan ka cyst?


"Ay! Sorry po." I told him nung kunwari ay nabangga ko at nasaktan ko siya ng very very light.


He only shrugged his shoulders at saka tumabi upang uminom ng kanyang tubig. I can't help but stare at him. Siguro ay napansin niya na nakatingin lang ako sa kanya.


"Is there a problem?" He asked me with a creased forehead.


I shook my head, "Ah...wala po." I awkwardly smiled at him.


Sandali niya akong tiningnan bago pumunta na sa table nila ng mga kaibigan niya. Pagbalik ko naman sa mesa namin ay pinagtawanan lamang ako ng mga kaibigan ko.


"Kumusta naman sa pakiramdam ang hindi ma snob ni ulti crush?" Asar sa akin ni Ella.


"Guys..." I looked at them,  "Feeling ko... I'm pregnant. Nakakabuntis titig niya eh." Maharot kong saad sa kanila.


Binalikan naman ako ni Rose, "Ano yun? May sperm sa mga ngipin niya?"


Masama ko itong tiningnan, "Ang sagwa ha, Rose. Ang sagwa mo na."


Tinawanan lang nila ako. Deep inside my head, I already know what to do. You wait, Liam. I'll have you.



Not Now But ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon