Chapter 4

33 2 3
                                    


Napaawang ang aking bibig ng makita ko sina Liam at ang mga kaibigan nito sa table malapit sa vacant table na sure ako ay ppwestuhan namin.


My three idiot friends giggled at the image of Liam with arched eyebrows while reading something on his phone.


Wala naman akong naririnig na balita na may girlfriend si Liam kaya sure ako na wala pa naman siyang natitipuhan na babae. Rumors about him would spread like a wildfire.


Hindi nga ako nagkamali. In a blinked of an eye, nakapwesto na ang mga kaibigan ko. Jerard and Ella sat on the chair near Liam's table. Maliit lang kasi ang kainan kaya alam kong may makakalap silang tsismis.


Rose and I sat in front of Jerard and Ella. Mula sa pwesto ko, tanaw na tanaw ko si Liam. He looks like a model. Baka nga mas pogi pa to kaysa sa mga Filipino models eh.


"Hindi ka ba curious sa kung sino man ang gumagawa ng tula para sayo?" I heard Andy, one of his friends, asked him.


Liam just shrugged his shoulders, "Baka pinagtitripan lang ako." He laughed a little.


Nakita ko namang nagpipigil ng tawa ang mga kaibigan ko.


Pinandilatan ko na lang sila, "Ang papangit niyo."


"Anyway, samahan niyo ko sa guidance." He told his friends before leaving.


Nakahinga ako ng maluwag habang pinagmamasdan ang likod ni Liam. Meanwhile, my friends let out their loud laughters. Nakakainis din ang mga bwisit na to.


We continued what we're doing. Umaga, si Jerard ang iiwan ng letter. Lunch, si Ella at uwian naman ay si Rose. Swerte na nga lang namin na hindi pa kami nahuhuli. Tuwing may basketball practice naman ay ako ang naglalagay ng letter sa locker ni Liam.


Midterm came at hindi muna kami nagbigay ng mga tula. Focus din sa acads! Ayaw din naman namin na harot now, repeat later!


"Nastress ako sa chem!" Inis na saad ni Rose.


"Lahat naman tayo nastress!" I told them.


"Feeling ko nga babagsak ako sa calculus eh" Ella silently told us. Binatukan naman namin ito.


"Gaga ka ba? Eh magkakatabi tayo. Pag bumagsak ka, bagsak tayong apat!" I told her.


Hindi na lang namin iyon pinagtuonan pa ng pansin. May finals pa kaya pwede pa naman bumawi. Teka, makabawi kaya?


We did our old habits, kumain ng goto at bigyan ng tula si Liam. We saw how Donna hurriedly went out of the room at saka pumunta sa may red bench.


"Harot din eh tamang kodigo nga lang naman." Inis na bulalas ni Ella.


We just shrugged our shoulders. Next week ay finals na. The worst is yet to come. Hindi na ako makapaghintay magbakasyon at nang sa ganon ay third year college na kami. Third year is equal to OJT!


Monday came at nag-iiwan pa rin kami ng mga tula kay Liam. Hindi ko naman masyadong masilayan si Liam pero may naririnig akong tsismis na may transferee raw sa CEA. Sorry na lang, loyal ako sa aking Liam Imperial.


While waiting for our prof, narinig namin na napatili si Donna. Inirapan ko na lang ito. Gumagawa pa kami ng essay para sa fundamentals kaya wala kaming oras para magkwentuhang apat.


"Hi" Napalingon kaming apat sa medyo malalim na boses na iyon.


From there, I saw Liam, Andy, Von, and someone unfamiliar standing. Kala mo naman F4! Well, may mga itsura naman talaga silang apat pero para sa akin ay si Liam ang pinakagwapo.


"I think we should stop doing this, Dale." Narinig kong pigil ni Liam.


Andy and Von just laughed and nodded at Dale. So, Dale is his name.


"Gusto lang naming tanungin if nandito ba ang poetic lover ni Liam?" Agad kaming apat napatigil sa pagsusulat.


Siniko ako ni Jerard at saka sinabihang, "Act normal"


My heart is beating so wild. Halos manginig na rin ang mga kamay ko dahil sa kaba.


Ano bang trip ng Dale na to? Ito ba ang transferee na sinasabi nila?


"You know, Liam is receiving poems from someone unknown." Dale said. He looked at Liam and smiled, "He's curious about who this poetic lover is."


"Pwede naman daw pag-usapan." Von said with a smirk.


Liam just shook his head while smiling.


Pwedeng pag-usapan? Kung tatayo ba ako, ganon pa rin ba? I wonder if Liam would ever like me. I am just a plain college girl. Nothing special.


Ella smiled at me. She mouthed, "Mag out ka na"


Masama ko itong tiningnan. Alam ko kasi na kung ako ang tatayo ay baka pagtawanan lamang nila ako. I never had any admirer. Boys nowadays prefer someone who they can boast to their friends. Unfortunately, I am not like that.


"Looks like she's not here" Liam said with his deep voice.


Halos mawalan ako ng hininga ng marinig ang boses ni Liam. His voice is just too good. Para akong hinehele.


Tatayo na sana ako ng marinig namin ang paggalaw ng upuan ni,


"That's me."


Napaawang ang bibig ko ng makita si Donna na naglalakad papalapit kina Liam. I am too stunned to move an inch.


Naramdaman ko rin ang gigil ng mga kaibigan ko.


"Donna?" Andy and Von said in unison.


"How can we know that it's really you?" Dale said with a hint of doubt laced on his voice.


Magsasalita pa sana si Donna when Dale cut her off, "What's the pen name?"


We saw how Donna let out a laughter. Halatang peke naman ang tawa niya. Ang sarap niyang tirisin.


"Pahiya ka ngayon, bwisit ka" Gigil na saad ni Ella.


"My pen name is within us. I don't want my classmates to know it. Besides, I like Liam." She bluntly said.


Naramdaman ko ang pagkaputla ko. How I wish I am as beautiful as Donna. Matangkad, maputi, bilugan ang mga mata at napakaamo ng mukha niya.


She directed her eyes to Liam, "I like you, ever since the first time I saw you. That was during the orientation for freshmen. I don't know... I... Can't help myself in liking you, a lot." She confessed that crushed my whole world.


"Ayan dude! Nakilala mo na si poetic lover! Sabi na eh, tama ang hula ko!" Andy said while laughing.


Hindi ko na nakayanan. Tumayo na ako sa upuan ko. I saw how my friends reacted. Gulat na gulat sa ginawa ko.


I even caught my classmates' attention. Naramdaman ko rin ang tingin sa akin nina Liam.


Dale, the stupid transferee boredly looked at me.


"Uh, na-natatae ako, pasama nga."

Not Now But ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon