Chapter 13

29 2 0
                                    


Hindi ko alam kung hanggang anong oras ako umiyak. Pumasok na lang ako sa klase nang mugto ang mga mata ko.


My friends keep on observing my every action. Hindi man nila sabihin ay alam kong nakikiramdam lamang sila.


Nang mag uwian na, Jerard asked us na magtambay muna. Ayoko sanang sumama pero masyado silang mapilit.


"Okay ka lang?" Ella cautiously asked me.


The moment she uttered those questions, hindi ko na napigilan pang umiyak.


"Dale," I said his name while sobbing.


Masyadong mabigat sa dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.


I looked at Rose. I apologetically looked at her, "I'm sorry...i used your name...Dale likes you..." I said in between my tears.


"You should've told us about your plan. I'm sorry, I didn't know." Rose apologetically told me.


I shook my head and hugged her. God, ang swerte ko sa mga kaibigan ko. Hindi ko alam anong gagawin kung wala sila!


"Sorry. Hindi ko naman ineexpect na..." I cut off my words, not having enough courage to continue.


"Na magkakagusto ka kay Dale?" Jerard sighed.


They all hugged me. Somehow, the pain I'm feeling lessen a bit.


Hindi na rin kami nagkausap pa ulit ni Dale. Ni hindi ko na rin siya nakikita.


Everytime I would see Andy and Von, they would both smiled at me. Hanggang doon lang.


Life without Dale is boring. Ni hindi ko na rin naisip pa si Liam. I focused myself on acads na lang.


February came. Alam kong inaabangan ng lahat ang Valentines ball.


I curled on my bed. I don't have any plans of attending it. Uupo lang naman ako sa sulok at titingin sa mga taong sumasayaw.


Narinig ko ang katok ni Kuya. Tinakpan ko ng unan ang mukha ko. Ano na naman bang trip nitong gagong to?


"May bisita ka! Yung crush mo nasa labas!" Singhal ni kuya sa akin.


Gulat akong napatingin sa kanya saka nagmamadaling lumabas sa aking kwarto.


Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Should I smile? I should apologize again, of course! I would apologize over and over again!


"Hi" Napahinto ako sa pagmamadali.


"Hi," I greeted him back.


"Are you going to attend the ball?" He slowly asked me.


I shook my head, "Hindi eh. Formal yun diba? Hindi ako prepared"


"I'll help you." He eagerly told me. Pinanlakihan ko naman to ng mata.


"Just trust me with this one, Charm." He begged.


I looked at him shocked. Tumango na lang ako saka naligo. Nagbihis ako ng pang bahay dahil nakapang bahay lang din siyang damit.


Naabutan ko si Kuya sa labas ng kwarto ko. Tinaasan ko ito ng kilay.


"Magdadate kayo ng crush mo tapos ganyan lang suot mo?" He scoffed.


Not Now But ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon