KABANATA 8

611 10 0
                                    

Warning: A bit spg.

You have been warned. Thank you!

🚾🚾🚾🚾🚾🚾

KABANATA 8

KISS

"Now serving, Chrishane Ocampo," the announcer said. Tumira si Chrishane sa service line.

"Let's go! Tigress!" the cheer became loud as the ball bounce back to my team. Aya, my libero received the ball. Chrishane set it and I hit it. Hindi iyon nakuha ng blocker ng kalaban. The ball landed in the middle. Iyon ang nakita kong butas kaya doon ko dinala ang bola. I scored.

"Yes!" Aya cheered at nakipaghigh five sa akin. Lalong umingay ang paligid. Tumingala ako para makita ang score. Lamang na kami ng dalawa. "Ang galing mo, Kapitana!"

"Mas magaling ka!"

We are now on our first game. Ilang araw pagkatapos nang unang laro ng basketball ay kami naman ang naglalaro. At hanggang ngayon din ay hindi pa kami nag papansinan ni Guhit. Sabay kaming nagla-lunch pero hindi kami nagpapansinan. Hindi naman na ako galit. Nag iinarte lang talaga ang kagandahan ko.

The opponent team request for a timeout. The score is eighteen to sixteen. We reached the first technical timeout but failed the second. Nahabol naman namin agad.

"Nice, Charity!" bati ni Coach. Hindi ako umimik. Inabutan ako ni Sammy ng tubig.

Natanaw ko si Isagani sa crowd. Kasama niya si Barron at ang magkapatid na Samaniego. Kumaway si Barron sa akin at pumalakpak naman ang batang Samaniego. Inirapan ko lang sila. Si Guhit naman ay seryoso pa rin ang tingin. Ano bang bago?  Minsan lang naman iyan ngumiti.

Natapos ang timeout at nagpatuloy ang laro. Kapag nakaka score ang kalaban ay bumabawi naman kami. Pansin ko rin ang madalas na pag irap sa akin noong opposite hitter ng kalaban. Noong una ay hindi ko iyon pinapansin pero maging si Chrishane ay napapansin na rin. Tinawan ko lang iyon.

Magagawa ng pag irap niya? Hindi naman nila iyon ikakapanalo at hindi niya iyon ikagaganda kaya bahala siya.

The game goes on hanggang sa natapos at nanalo kami. It was a three set game only. Hindi naman kami nahirapan sa kanila. Hindi naman sa pinupuna ko sila pero the opponent's floor defense was lacking. Lagi silang may butas at hindi maganda ang cover. Iyon kasi madalas ang nagiging dahilan ng pagkatalo. Isama pa na naiinis at nanggigil  ang best player nila.

We ended the game formally.

"Nica game, team!" Coach cheered. Umupo naman ako bench at nagpahinga. Unti unti nang nauubos ang tao sa gym.

"Sama ka mamaya? Nag aya si Sammy sa Bistro. Libre niya daw dahil nanalo," umupo si Chrishane at Aya sa tabi ko.

Naalala ko ang tawag sa aming tatlo kaya natawa ko. Para sa mga humahanga, kami ang golden trio. Kapag kasi kaming tatlo ang nagsama sa loob ng court, laging successful ang play. Ire-received ni Aya, is-set ni Chrishane at papaluin ko. Ganoon madalas ang nangyayari.

"Oo sasama ako. Sayang ang libre," tumawa silang dalawa. Kahit hindi nahirapan ay napagod ako. Pero hindi naman pagod na pagod. Normal lang na pagod gaya ng mga training namin.

"Yow!  The golden trio is back!" Barron cheered when they got near.

"Ang galing niyong maglaro!" it was Charles.

"Mas magaling 'to!" Aya pointed a finger. "She's the Queen of the court!"

"Stop showing me off, Aya! I suck at the back row!"

Madly (IN LOVE SERIES #1)Where stories live. Discover now