KABANATA 18

580 14 0
                                    

KABANATA 18

REAL

"Dad wants you to dine with us tonight," Charles said as we walked on the noisy hallway of our university. Sinundo nila ako ni Isagani sa room ko at iyon agad ang bungad niya sa akin.

I stilled at what he said. It's been week since they unveiled the truth. In those days, Chase and Charles never fail to make me feel I am one of them, that I am belonged to them and that I am their sister. And within those days, they never forced me to meet my real father nor my grandmother. They allowed me to adjust and let me cope with everything. I am thankful for that. I want myself ready before I finally meet them.

And now, they wanted it to the next level, I don't know if I am ready or not. Kaya ko na ba? Kaya ko na bang harapin ang totoo kong ama? Kaya ko na bang kausapin siya? Sapat na ba ang isang linggo.

"But if you're not yet ready, it's okay. Maiintindihan naman iyon ni Daddy," he said. Ngumiti siya akin. Iyong ngiting nagsasabing it's okay. Maybe next time.

"C-count me in," medyo nauutal kong sabi. Sapat na nga siguro ang isang linggo. Hindi naman siguro ako mamatay kung makikipagkita ako sa tunay kong ama. It's my right and my father's right. I will give it a try.

Mukhang nagulat si Charles sa sinabi ko, kalaunan ay ngumiti. Tipid lang akong ngumiti sa kanya.

"Are you sure, Charity?" medyo nag aalalang tanong ni Isagani sa akin. I nodded my head. May kaunting duda pero nananaig ang kasiguraduhan.

"Yes. I will give it a try."

They nodded their heads. Hindi naman ako pababayaan ng mga kapatid ko kaya magiging okay naman siguro ako.

We headed to the cafeteria. Iyong dalawa kong kasama ay parang mga alalay ko na nakasunod sa kanilang dyosa. Charles was holding my books while Isagani Alexis was carrying my bag. Nangingiti pa ako nang makalapit na kami sa mga kaibigang naghihintay sa amin.

Pustahan tayo, sunod sunod na naman ang reklamo ng weirdong maarte at ng gagang englisera.

"Kami na lang ang bibili ng pagkain niyo, girls," Barron volunteered at niyaya si Charles at si Isagani. Naiwan naman kaming tatlo.

"What took you so long? I'm starving already!" the gagang englisera squealed. I raised my kilay at her.

"Huwag kang papansin diyan, dayuhan ng kasalukuyang panahon. Talk to yourself, gagang englisera!" I hissed at her. Umupo ako sa harap ng mga na nakataas ang kilay sa akin. Ano namang problema ng isang 'to?

Napansin kong nag iba ang kaniyang aura. Parang may nagbago. I scanned her. Siya pa rin naman ang weirdong maarte mula sa mamahaling damit hanggang sa mamahaling sapatos maliban sa kaniyang buhok! Ang weirdong maarte, nagpakulay ng buhok at and it's color grey!

"Ano namang trip mo, Alyanna at ganyan ang kulay ng buhok mo? Plano mong tumanda agad?" I teased. Inirapan niya lang naman ako.

"Hindi ka inaano ng buhok ko, Kapitana so tumahimik ka. Inggit ka lang dahil mas gumanda ako sa'yo," she fired back at me. Humagalpak ng tawa si Chrishane na nagpairap sa akin.

"Ba't ako maiinggit sa'yo? Ma dibdib ka ba?" asar kong muli sa kaniya. "Maghanap ka muna ng jowa bago ka mag maganda, Alyanna."

"Napaka mo, Kapitana. Si Chrishane nga gandang ganda sa akin, tapos ikaw hindi! Wala kang kwentang kaibigan!"

"Naniwala ka naman diyan? Kita mong malabo ang mata niyan! Sigurado kang ikaw ang sinabihan?" lalong humagalpak ng tawa si Chrishane at pati ako ay natatawa na rin dahil sa simangot na nakikita ko kanyang mukha.

Madly (IN LOVE SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon