KABANATA 37

732 9 0
                                    


Sweet Notes: August 08, 2020

This Chapter is dedicated to my anak, Angel Lou, this is for you! Thank you for the support you've given me since you knew I am writing this story. Let's support each other 'till the end!

Thank you for that beautiful cover! I so love it! I love you! Muah!

And of course to my readers, thank you so much for making this possible! You are one of my reasons why I am still writing! Cheers for more reads and stories in the future! Mahal ko kayo!

KABANATA 37

ARTICLE

I stared at Maxine. This is the girl I envy the most. The girl who had everything since she was born. The almost perfect girl way back when we were in college. Noon, insecure ako sa kaniya dahil nasa kaniya na ang lahat. Na kayang kaya niyang kuhanin ang lahat kung gugustuhin niya at ako iyong katulong lamang na walang maipagmamalaki kundi ang aking talino at galing sa larangan ng sports.

At ang kaisa-isang yaman na itinuturing ko noon ay pilit niyang inaagaw sa akin hanggang ngayon. Hindi ko rin naman siya masisi ng buo 'cause on the other side maybe, she just love Isagani that much.

How love could be so wonderful and cruel?

"You know what Maxine?" I said after. "Inggit na inggit ako sa'yo noon. Lahat ng bagay ay nakukuha mo. Naiinis ako kapag nakikita kitang kasama ni Isagani. Umuusbong ang galit ko kapag hinahawakan mo ang pag-aari ko..."

My eyes remain on her. I can vividly see her anger through her eyes. Tila bulkan na handang sumabog.

"At ngayong narito ka sa harap ko at sinasabi ang lahat ng ito, ngayon ko lang napagtanto na hindi dapat ako nainggit sa'yo. Hindi dapat dahil patas lang tayong dalawa."

Hindi dahil sa lahat ng mayroon ako ngayon kundi dahil sa lahat ng ito, pareho lang kaming naghirap sa mga nagdaang taon. Ako na nalunod sa kalungkutan at siya sa maling paraan ng pagmamahal. In some way, life is fair and unfair at the same time.

"Hindi tayo kailanman naging patas, Charity. You know that from the very beginning."

I can sense her anger in every word she uttered. Hindi ko pinansin ang sinabi niya.

"Nag-uusap na rin lang naman tayo, sasabihin ko na ang lahat ng hinanakit ko sa'yo simula pa lang," pilit kong pinatapang ang aking mukha para masabi ang lahat ng saloobin ko sa kaniya simula pa lang. "Nagalit ako nang malaman ko ang nangyari sa pagitan niyo ni Isagani. Nagalit ako at sa sobrang galit at sakit na nararamdaman ko noong mga panahong iyon... Na ang bigat at sakit ng nararamdaman ko noon dahil sa nangyari sa buhay ko... at dahil na rin sa patong patong na problema... mas pinili kong talikuran ang lahat ng ito at iniwan ang mga bagay na mahalaga sa akin lalong higit si Isagani na mahal na mahal ko..."

"Pero hindi habang buhay ay magagalit na lamang ako. Hindi habang buhay ay aalagaan ko ang galit sa puso ko. At hindi rin habang buhay magpapakalunod tayo sa sakit. We need to forgive and be forgiven in return. That's how life works."

I smiled at her as my eyes watered for the unshed tears. Now, I will definitely let go this pain of the past.

"I forgive you, Maxine. Sa lahat ng sakit, pinapatawad na kita. At sana, mapatawad mo rin ako sa lahat ng sakit na naidulot ko sa'yo noon." I gave her a sincere smile. "I hope this issue between us ends here. Pagod na pagod na ako sa kahit anong sakit at alam kong ikaw rin kaya sana rito na ito matatapos."

"Kung wala ka nang sasabihin, I better leave now because I hate too much attention. Thank you, Maxine," I turned my back at her and sighed. I ended it there because Isagani's people were noticing the tension in between us. Ayaw ko nang mas lumala ang lahat ng ito dahil pagod na pagod na ako.

Madly (IN LOVE SERIES #1)Where stories live. Discover now