KABANATA 9

607 13 0
                                    

KABANATA 9

PLAY

Tahimik kaming dalawa sa loob ng sasakyan niya. I'm still on his lap. My head rested on his chiseled chest. His hand is gently caressing my hair. Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming ganoon.

My heart is dancing in so much happiness right at the moment. The day I've realized that I love Isagani, this happens in my dreams. Mostly, in my imagination. I never thought, it will happen for real. Hindi man sigurado kung mahal niya nga ako, masaya pa rin ako. Hindi sigurado kung bakit, basta masaya ako.

At kung isa man ito sa mga panaginip ko, siguradong may ngiti sa mga labi ko pagkagising.

I can't believe we made out in his car!

"Ate Denisse told me that you're staying with us while they're away," pagbasag niya sa katahimikan naming dalawa.

"Yes," sabi ko. Nanatili sa kanyang dibdib. "Wala akong kasama sa bahay."

Bukas ang alis nina Miss Denisse patungo sa France. At dahil ito ang unang pagkakataon na hindi ako makakasama sa bakasyon nila, inihabilin nila ako kina Kuya Gaston.

"Matutuwa si Daddy at si Gio, kung ganoon."

Napangisi ako. Talaga? Ikaw, hindi ka matutuwa? I giggled.

"What's funny?" he asked. Naiimagine ko tuloy ang pagkunot ng noo niya sa akin.

"Si Daddy at si Gio lang ba ang matutuwa? Ikaw, hindi?"

"Of course," mahina siyang natawa. "Pwede kang sa tabi ko matulog."

"No way!" doon ako nag angat ng ulo sa kanya. Natigil ang paghaplos niya sa aking buhok dahil sa pag angat ko. His smirk is annoying! "Nanliligaw ka pa lang!"

"What's the difference? We even made out just now. Anong masama roon?"

Ano? Iba nga din itong hari ng kasungitan! Aba, nanliligaw pa lang gustong magkatabi na agad kaming matulog?

"Ayoko nga! Sabihin pa nina Daddy, napaka easy to get ko naman! Saka hindi ka pa nga nagpapaalam kina Papa!" umirap ako sa kanya.

"Buti ipinaalala mo," lalo siyang ngumisi! Nakakainis! "One of these days, pupuntahan ko si Papa at mamanhikan na kami."

"Hoy, Guhit! Nanliligaw ka pa lang!"

"Doon din iyon pupunta, ba't patatagalin pa?"

Ewan ko sayo, Sketch! Masyadong nagmamadali ang hari ng kasungitan!

"Tara na sa loob, Charity. It's late," he said. He opened the door beside him. Buhat niya pa rin ako nang bumaba kami.

“Put me down, Guhit!" I hissed at his face. Tumawa muna siya bago ako ibinaba. He gave me a deep kiss again. Medyo nagulat pero tinugon ko naman agad.

"Good night, Sweetheart," he winked.

"Good night," I answered back. Tumakbo ako patungo sa entrada ng bahay bago siya muling nilingon. I saw him smiling while shaking his head. Kinikilig siya? I smiled at the thought.

Natapos ang gabi kong may ngiti sa aking labi. Para akong nakalutang sa ere habang iniisip ang naganap.

The championship match between Isagani's team and the Eagles team came. Isang araw bago ang championship ng volleyball versus the Flying Titans team. Maingay ang buong bulwagan. Palitan ng cheer ang mga taga hanga ng bawat team pagkapasok pa lamang namin. Kasama ko si Isagani na parang hindi man lang kinakabahan sa larong mangyayari mamaya.

"I reserved a seat for you and for your friends near our bench," he said as we walked hand by hand. "And make sure you'll watch this game. Ilang beses kang hindi nanonood ng laro ko."

Madly (IN LOVE SERIES #1)Where stories live. Discover now