KABANATA 21

665 9 0
                                    


KABANATA 21

YEARS

"Are you sure with your decision, Charity?" my Daddy asked me. Marahan lang akong tumango sa kaniya. "Well, then, I will arrange everything for you and for your brother."

Hindi na ako umiimik pa. I have decided and I know that I needed it. Hindi lang para sa sarili ko kundi pa na rin kay Robi.

I am leaving and no one can stop me.

"Mas mabuti sigurong manatili ka muna dito sa hospital at magpahinga. You've suffered enough, anak," he said. Lumapit siya sa akin at binigyan ako ng halik sa noo before he went out the room.

Life is a battle. And in every battle, there are challenges and obstacles you need to face in order to win. But sometimes, you win and sometimes you lose. It's for you to decide what ways you'll do in order to win. It's for you to decide how you would handle every challenge in order to win.

And everyone has their own battle. Iba-iba nga lang ang atake ng bawat isa. In my case, this is my battle –a battle of pain, disappointment and heartbreak which I can't handle anymore. And now, I chose to fall back because I don't know how to handle it anymore. Kailangan ko nang umatras dahil unti-unti nang nawawasak ang mga panangga ko. Unti-unti nang nauubos ang lakas ko para lumaban.

I need to fall back and build stronger troops and shields so I can fight again soon.

I remain staring at nothing. Para na akong mababaliw sa lahat ng ito. O baliw na talaga ako. Hindi ko kasi inaasahan na sa isang iglap, ganito na ang buhay ko.

Naging isa akong tagapagmana pero ang naging kapalit naman ay buhay ng Papa ko, ang buhay ni Robi at ang buhay ko.

Money, indeed, can't buy happiness. Money, indeed, can't buy everything. It was just a source of evil deeds and evil intentions. It makes people become greedy and cruel.

Aanhin ko ang napakalaking hospital na ito kung nawala naman sa akin ang lahat? Aanhin ko ang pagiging Samaniego ko kung wasak na wasak naman ako? Aanhin ko ang lahat ng ito kung sirang sira na ako?

Handa akong isuko ang lahat ng ito, basta ibalik lang sa akin ang dating buhay ko. Iyong simple lang pero masaya. Handa akong ipagpalit ang lahat ng ito basta ibabalik niyo lang ang lahat ng nawala sa akin.

Kaya pa ba? Hindi na.

The room's door opened. Tumingin ako don. Charles and Chase entered the room. They're both serious. Nag iwas ako ng tingin sa kanilang dalawa. Nahihiya ako sa kanila.

I am a failure. I failed the both of them.

"Isagani's outside," tahimik na sabi ni Charles. "He wants to talk you."

"H-huwag mong papasukin," I whispered. Hindi ko siya kayang kausapin. Hindi ko kaya.

Naninikip ang dibdib ko 'pag naiisip ang eksena nilang dalawa ni Maxine. Nagagalit ako at nasasaktan.

"Pauwiin mo na, Charles. Sabihin mo, huwag nang babalik," Chase said with rage in his voice. I looked at him. It seems he knew what had happened.

"B-But Kuya..."

"Do what I said, Charles. Sabihin mo huwag na siyang magpapakita kahit kailan," Chase was fuming mad.

Agad namang tumalima si Charles at lumabas ng kwarto. Titig na titig sa akin si Chase. Para bang gusto niyang sabihin sa kaniya ang nangyari.

Rumagasa na naman ang luha sa aking mga mata. Hindi na yata ito titigil. Hindi na yata ito mauubos.

"Wala ka na bang ibang gagawin kundi ang umiyak?" he asked me. Lalo lang akong naiyak dahil sa sinabi niya. Nag iwas ako ng tingin at pinahid ang luha sa pisngi.

Madly (IN LOVE SERIES #1)Where stories live. Discover now