Chapter One

22.2K 300 8
                                    

CHAPTER 1

KATATAPOS lang ng session nila sa munisipyo. Gusto sana ni Jonnie na umuwi na sa bahay nila at matulog dahil inaantok siya pero may dalawa pa siyang meeting na kailangang puntahan. Hindi naman niya puwedeng balewalain ang mga imbitasyon sa kanya dahil matampuhin ang kanyang mga kababayan. Lalo na kapag fiesta- kailangang daanan ang lahat ng bahay sa kanyang nasasakupan- otherwise- hindi siya kikibuin ng kanyang mga botante. Mahirap nang machismis na suplado, isnabero, mapili- lalo na kapag pulitiko. Kailangan kasi, laging friendly, maasikaso at maalalahanin sa mga kababayan. Not that he’s the opposite- in fact, nasa kanya naman talaga ang mga katangiang iyun kahit wala pa siya sa pulitika.

It’s just that…. nakakapagod na rin naman ang maging pulitiko. Pakiramdam kasi ng binata ay lagi siyang tumutulay sa alambre. Bago gumawa ng hakbang ay kailangang isipin kung ano ang magiging epekto sa kanyang imahe at sa partido.

Last term na niya bilang konsehal sa bayan ng Roxas, Oriental Mindoro. Kung siya ang masusunod, gusto na niyang tumigil sa pulitika dahil nakapagsilbi na rin naman siya sa bayan. Nasunod na niya ang huling habilin ng kanyang namayapang ama- ang gusto naman sana niya ngayon ay pagbigyan ang sarili at mamuhay ng tahimik. Pero noong isang linggo lang ay kinausap siya ng kanyang mga kapartido- gusto ng mga ito na tumakbo siyang mayor sa susunod na election.

“IKAW ang pinakamalakas sa mga konsehal natin maging sa partido. Wala kaming maisip na puwedeng pumantay sa popularidad mo,” mahinahon ang pagkakasabi sa kanya ni Manong Lando, ang itinuturing nilang ama sa partido.

Naging mayor muna ito sa bayan nila, naging congressman bago naging gobernador sa Mindoro. Mahaba ang naging political career ni Manong Lando bago nag-retire at naging political adviser nila. Marami na itong nai-groom na pulitiko hindi lang sa bayan nila kundi sa hanggang sa Calapan at iba pang karatig-bayan. Isa ito sa tinitingala sa probinsya nila at bihira ang nakakatanggi sa may-edad na lalake.

Malapit ang kanyang mga magulang kay Manong Lando kaya naman madali siyang nakumbinseng pumasok sa pulitika more than six years ago. Eto’t kinukumbinse na naman siya kahit malayo pa ang eleksyon at iba na ang direksyong gusto niyang tahakin sa buhay.

“Saka may campaign funds naman tayo. Di tayo pababayaan ng mga nasa itaas,” sabad ni Ka Gusting, isa sa mga barangay kapitan.

Ang tinutukoy nitong nasa ‘itaas’ ay ang mga nasa administrasyon at mga matataas na opisyal ng kanilang partido na usually ay nagpapadala sa kanila ng pondo kapag eleksyon. Pero lagi din namang hindi sapat ang nanggagaling na tulong mula sa Maynila. Ang mga local politicians ay kailangang mahaba ang pisi- may sariling pera, dahil magastos kapag campaign period.

“M-may iba ho kasi sana akong plano….”

“Anong plano?”Si Mrs. Estrella ang nagsalita, pinsan ni Manong Lando at isa sa mga nagpapatakbo ng kanilang partido. Nasa late-50s ito at may-ari ng ilang L300 van na bumibiyahe mula Calapan hanggang Roxas. “Alam mo bang ikaw ang nanguna sa survey sa mga kabataan at mga kababaihan? Gusto ka nila, Jonnie.”

Lalong napalunok ang binata sa sinabi ng may-edad na babae. Pero wala siyang choice. Kailangang sabihin niya!

Heart StealerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon