Chapter Four

6.6K 182 9
                                    

CHAPTER FOUR

ANG haba ng buhok niya, in fairness! Kahit kanina pa nakaalis si Jonnie ay feel na feel pa rin ni Libby ang sinabi nito sa kanya- kaya kahit mukhang luka-luka na siya sa kakangisi, hindi niya pa rin mapigilan ang sarili!

You stole my heart, ang sabi sa kanya ni Jonnie. Akalain mong nasabi sa kanya iyun ni Jonnie!

Hanep! Pinataob ng herodes si John Lloyd Cruz! Feeling niya tuloy siya si Bea Alonzo. O kaya ay si Sarah Geronimo! Gusto niyang mag-power hug!

“Liberty, kanina ka pa parang kiti-kiti diyan na hindi mapakali,” puna sa kanya ng nanay niya.

“Nay, maganda ba ako?”

“Maganda ka. Natural, anak kita e.”

“Yung totoo nay.”

“Para kang hostess, anak. Ang ikli ng shorts mo.”

“Eto ho ang uso, ‘nay!” Napasimangot siya.

“E daig mo pa ang sasayaw sa kabaret niyan! Buti di ka sinita ni Jonnie. E di ba conservative yun?” Napangiti si Libby nang banggitin ng nanay niya ang pangalan ni Jonnie. Automatic na kumabog ang dibdib niya!

“Ang guwapo na ngayon ni Jonnie no?” Hindi niya napigilan ang sarili.

“Oo. Kaya nga nag-uunahan ang mga babae sa bayan na mapansin niya. Ang balita’y malapit na rin yang mag-asawa. Baka bago tumakbong mayor e magpakasal na rin yan.”

Nawala ang ngiti ni Libby sa sinabi ng nanay niya. “Kanino siya magpapakasal? Sino ang girlfriend niya?”

“Hindi ko alam pero taga-rito din siguro. Sa munisipyo pa lang e marami nang may gusto sa batang yan.”

Lalong napasimangot ang dalaga. Bumangon ang selos sa dibdib niya. Hindi naman yata siya papayag na basta nalang mapikot si Jonnie ng kung sino sa bayan nila! Kung sa ganda at kaseksihan din lang, hamak na mas bagay sila ng lalake!

Saka akin lang siya. Hindi siya puwedeng mapunta kung kanino lang!

“O, akala ko ba e nagugutom ka? Luto na ang ulam,” narinig niyang wika ng nanay niya nang dali-dali siyang magtungo sa kuwarto niya.

“Hindi na ako kakain nay. Busog ako.” Kailangan ko pang magplano ng gagawin ko bukas.

Paano nga ba niya mapapaamo si Jonnie e mukhang may topak pa rin ang lalake? Bakit ba kasi hindi pa rin siya mapatawad sa ginawa niya? Mortal sin ba ang na-commit niya?

Siya pa nga ang nagsabing I stole his heart. Pero bakit kaya niya nasabi iyun? Gusto din kaya niya ako?

Heart StealerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon