Chapter Five

6.5K 165 6
                                    

CHAPTER FIVE

PAREHO din siguro silang na-shocked sa nangyari. Pagkatapos ng halik ay kitang-kita ni Libby na namula si Jonnie at agad na lumabas ng kuwarto. Siya ang naiwan- na naisip niyang baliktad yata. Kasi dapat siya ang umalis dahil after all, si Jonnie ang konsehal at ito ang may-ari ng opisina. Lumabas din siya pero agad siyang sinalubong ni Ate Onay.

“Tapos na kayong mag-usap, Libby? May nakalimutan daw si Jonnie sa opisina ni Mayor e.”

Pakiramdam ng dalaga ay wala pa siya sa sarili. She barely heard the older woman.

“Babalik na lang ho ako,” nasabi na lang niya. “May aasikasuhin din ho ako e. Napadaan lang talaga ako para mangumusta sa kanya.”

“Busy ka talaga no? Ganyan talaga pag ikakasal e.”

Daig pa ng dalaga ang binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni Ate Onay. Oo nga, ikakasal na siya. Yun ang dahilan kung bakit bumalik siya sa Roxas. Pero eto at nakipaghalikan pa siya kay Jonnie!

“Oo nga po.” Nagpaalam na si Libby saka mabilis na umalis ng munisipyo.

Ayaw naman niyang umuwi kaya dumiretso siya sa isang beach resort na malapit sa kanila. Madalas siyang pumunta doon noong high school pa lang siya. Kilala niya ang may-ari ng lugar kaya madalas siyang nakakatambay doon.

Saksi ang beach na iyun sa maraming kabanata sa buhay niya. Kapag napapagalitan siya noon, kapag nalulungkot, doon siya pumupunta. Kapag may mga okasyon ay doon din sila nagse-celebrate. Lagi din silang pumupunta sa lugar na iyun ni Jonnie- noong mga bagets pa sila.

Noong mga panahong hindi pa kumplikado ang buhay nila.

Gusto niyang magsisi kung bakit pa siya bumalik sa Mindoro. Okay na ang buhay niya sa Hong Kong e. Events and Promotions Manager siya ng isang hotel roon. Doon din niya nakilala si Ethan, ang Filipino-American Businessman na boyfriend niya.

NANG gabing maiwan sila ni Jonnie noon sa Great Eastern Hotel- ay buong tapang niyang ibinigay ang sarili sa lalake. Kahit wala pa siyang karanasan ay pinaghandaan niya ang oras na iyun.

She took off her clothes and patiently waited for him.

“Li… Liberty?” Groggy pa si Jonnie pero unti-unti na itong binabalikan ng ulirat. “Nasaan tayo? T-teka ang sakit ng ulo ko..”

Mayamaya pa ay nahimasmasan si Jonnie… pero gayun na lang ang pagka-shocked nito nang makita niyang pareho silang walang saplot.

“A-anong ibig sabihin nito?” Tinangka ng lalakeng bumangon pero mas mabilis siya.

“P-please…. Huwag kang umalis or tumayo…”

“Ano ‘to?”

Hindi na siya nag-isip. Hinalikan niya sa labi si Jonnie…. mariin. Mayamaya pa ay naramdaman niyang tumutugon na rin ang lalake. Napaungol pa iyun.

Heart StealerWhere stories live. Discover now