Chapter Three

6.8K 188 5
                                    


HINDI pa rin maka-get over si Jonnie sa pagbabalik ni Liberty. For years, he tried to move on at kalimutan ang babae kahit nahirapan siya. Just when he thought he already succeeded- eto't bumalik naman ang babae at mukhang mas malakas pa sa Ondoy ang dala nitong bagyo sa buhay niya. Ni hindi siya pinatulog kagabi! Eto nga't nasa loob na siya ng opisina pero ang diwa niya ay patuloy na naglalakbay sa nakaraan.



BATA pa lang sila ay madalas na siyang pangunahan ni Liberty sa maraming bagay. Mahilig mangialam ang babae sa mga gamit niya, magtanong ng kung anu-ano at yayain siya kung saan-saan. Malakas na talaga ang dating ni Liberty kahit noon pa- mahirap itong tanggihan dahil bukod sa makulit ay marunong din itong maglambing kung kinakailangan.

Wala yata siyang good childhood memory na hindi kasama ang babae. Mula kasi sa elementarya ay magkaklase na sila hanggang high school. Maging sa Maynila ay magkasama sila lagi kahit magkaiba ng pinasukang college. Hindi naman niya itinuturing na suplado ang sarili pero iilan lang ang mga kaibigan niya noon- at si Liberty lang ang naging malapit sa kanya. They were the best of friends.

Sinungaling naman siya kung hindi niya aamining hindi lumampas sa pagkakaibigan ang tingin niya sa babae- in fact, she had always been special and close to his heart. Pero never siyang nagkaroon ng lakas ng loob na magsabi ng nararamdaman dahil takot siyang mapagtawanan, ma-reject or worse, masira ang friendship nila. Kaya pinili niyang tumahimik.

Pinakamalaking naging takot niya noon ay nang muntik nang magkaroon ng boyfriend ang babae- si Dax na schoolmate nito. He never liked Dax- and he was more than happy na hindi nagkatuluyan ang dalawa- pero kailanman ay hindi niya sinabi kay Liberty ang tunay na naramdaman.

He had his chance. Silang dalawa ni Liberty- they had their chance. Pero hindi niya alam kung bakit hindi pa rin talaga sila nagkatuluyan.

Dahil iniwan niya ako. She just left me.





"JONNIE?" Hindi namalayan ng binata na kinakausap na pala siya ng sekretarya niya. Kanina pa siya nagdi-daydreaming.

"May sakit ka ba?" kunot ang noo ni Ate Onay, ang kanyang sekretarya. Mas matanda ito sa kanya ng fifteen years. Matagal nang empleyado sa munisipyo. "Kanina pa kita tinatanong kung napirmahan mo na yung mga kailangan ni Mayor."

"Sorry ho." Dali-dali niyang kinuha ang folder na nasa mesa at binuksan iyun. Sa loob-loob niya ay si Liberty ang sinisisi niya- kung bakit kasi bumalik pa ang babae, nagulo tuloy ang mundo niya.

"Di ba kababata at matalik mong kaibigan si Liberty?" Napatingin si Jonnie kay Ate Onay.

Manghuhula ba ito? Bakit bigla nitong nabanggit ang pangalan ng babaeng nasa isip niya?

Saka niya naalala na magkapitbahay nga pala sina Ate Onay at si Liberty sa may Danggay. Tumango siya, saka ibinalik ang atensyon sa mga papeles.

"Bakit ho?" tanong niya habang pumipirma.

"E di ba nga at narito ngayon? Matagal ding hindi nakauwi dito ang batang yan. Aba'y ikakasal na pala."

Natigilan si Jonnie. Ikakasal na si Liberty? "Ano hong sabi niyo?" Baka kasi nagkamali lang siya ng pandinig.

"Kaya umuwi si Liberty dine ay dahil mamamanhikan yung nobyo niya. Darating daw dito." Alam ni Jonnie na reliable ang balita ni Ate Onay- chismosa man ito, hindi ito pumapalya sa mga source!

"Sino ho ang nobyo niya?" Ramdam ng binata ang pagkabog ng dibdib niya. Bakit ganun? May hypertensiyon ba siya?

"Foreigner daw sabi ni Doring."

Heart StealerWhere stories live. Discover now