Chapter Nine

5.7K 126 4
                                    

CHAPTER NINE

ALAS-kuwatro na ng umaga nakauwi ang binata mula sa talyer/bahay ni Max. Dumating na kasi ang kaibigan at doon siya dumiretso para maglabas ng sama ng loob. Niyaya pa siya ng lalake na sugurin nila sa LYF Hotel si Ethan at hamunin nalang ng suntukan pero todo-tanggi siya. Ang ending, alak ang napagbuntungan niya kahit hindi naman siya sanay na uminom.

Ang sakit tuloy ng ulo niya dahil sa hang-over. Kahit kasi anong oras siya matulog, eksaktong alas-sais pa rin ng umaga siya nagigising. Kaya naman kahit mabigat ang ulo ay pinilit niyang magtungo sa komedor para kumuha ng kape.

“Saan ka ba galing kagabi?” tanong sa kanya ng mama niya.

“Kina Max ho,” sagot niya, saka humigop ng kape. Kahit papano ay guminhawa ang pakiramdam niya nang mainitan ang sikmura.

“Nandito kagabi sina Mrs. Almonte, nagdala ng nilutong cake. Nasa ref. Kasama si Rowanda.”

Muntik na niyang maibuga ang kape. Pagtingin niya sa mama niya ay seryoso ito.

“Sayang at hindi kayo nagkaabutan. Naka-off naman ang cellphone mo kagabi, tinatawagan kita. Gusto ko sanang umuwi ka ng maaga e.”

“Nawalan ho ng battery ang cellphone ko.” Naisip ni Jonnie na buti nalang pala at na-low batt siya kagabi. Tinamad naman siyang maki-charge kina Max, tutal wala naman siyang tatawagan.

“E kung alam ko lang na nandun ka lang pala kina Max e sana’y pinasundo nalang kita kay Kiray.” Katulong nila ang tinutukoy ng mama niya. “Nahiya nga ako kina Mrs. Almonte, kasi ginabi na tuloy.”

“Hindi ko naman ho kasi alam na dadalaw ho pala siya.”

“Sabi ko nga may next time pa e.”

Sana lang malaman ko kaagad para makaiwas, naisip ng binata.

Pagkatapos mag-almusal ay bumalik siya sa kuwarto niya. Sa totoo lang ay tinatamad siyang pumasok sa munisipyo ngayon- dahil bukod sa hang-over ay hindi pa rin nawawala sa utak niya si Liberty.

Na malamang ay kasama ngayon ni Tisoy. Inaatake na naman siya ng selos. Ang sabi ni Max sa kanya ay dapat talaga niyang kausapin si Liberty. Hindi puwedeng basta nalang siya maggi-give up.

Ang tanong ay paano ko siya makakausap ng masinsinan?

HINDI agad nakapagsalita si Jonnie nang makilala kung sino ang babaeng nakatayo sa harap niya. Sexy, kahit naka-jeans ito at tshirt na pula. Ang buhok nitong mahaba at may malalaking kulot ay itinali nito sa likod pero may ilang hibla na nalalaglag- na lalo namang bumagay.

“Ang sabi ng nanay mo, dito daw kita matatagpuan.” Ngumiti ang babae- pang toothpaste commercial! “Wow, isa ka nang politician!”

Heart StealerWhere stories live. Discover now