Chapter Ten

6.5K 157 2
                                    

CHAPTER TEN

“WALA eh.”

Napatingin si Jonnie kay Max na kababalik lang mula sa reception counter ng resort. Pinatawag pala nito si Liberty.

“Anong wala? Saan daw nagpunta?”

“Ang sabi sa counter hindi naman nag-check out pero umalis sila na may bitbit na bag ang lalake.”

Kumabog ang dibdib ni Jonnie sa sinabi ni Max. Saan nagpunta si Liberty?

“Bakit hindi natin puntahan sa bahay nila? Di ba malapit lang dito yun?” suhestiyon ni Rowie.

“Pupuntahan ko.” Tumayo na si Jonnie saka dumukot ng wallet.

“Ako na ang bahala sa bill mo. Puntahan mo na siya! Baka nagtanan na iyun.” Alam ni Jonnie that the last part was meant as a half-joke, but still, naalarma pa rin siya.

“Paano sila magtatanan e nandito na nga ang lalake at nag-aayos na sila ng kasal?” narinig niyang tanong ni Rowie.

“Malay mo naman yun ang trip nila. Sabi nga di ba, walang basagan ng trip,” sagot ni Max. “Sunod na lang kami, ‘tol.”

Dali-daling nagpunta si Jonnie sa bahay nina Liberty pero nanlumo siya nang sabihin ng nanay nito na tumawag daw doon ang babae para sabihing tumawid ito sa Boracay kasama si Ethan. Naabutan pa siya nina Max at Rowie na nakayuko sa may manibela ng wrangler jeep malapit sa bahay nina Liberty.

“Anong nangyari ‘tol? Asan daw si Liberty?”

“Tumawid daw ng Boracay. Tumawag sa nanay niya kanina lang.”

“Baka maabutan pa natin sa pantalan. Halika na,” wika ni Max saka dali-dali nitong pinaandar ang Honda Civic na dala.

Nagdrive na rin siya kasunod ni Max. Pero pagdating nila sa Danggay Port ay nakita nilang nasa laot na ang barko. They were too late.

“Anong oras ang susunod na barko patawid ng Caticlan?” tanong ni Rowie habang nakatingin silang pareho ni Max sa barko.

“After four hours,” sagot ni Jonnie.

“Hindi. In two hours may biyahe na uli,” sagot ni Max.

“Puwede mo siyang sundan if you want,” suhestiyon ni Rowie.

“Hindi na. She made her choice,” wika ni Jonnie. Sumampa siya pabalik sa wrangler jeep saka pinaandar iyun. “Tara, bumalik tayo doon sa resort.”

“Sige,” narinig niyang sagot ni Max.

It’s over.

Heart StealerWhere stories live. Discover now