Chapter Six

5.6K 133 5
                                    

CHAPTER SIX

PANGANGALAM ng sikmura ang dahilan kung bakit nagising si Jonnie. Hindi niya natatandaang nakapag-lunch siya kaya nagugutom siya ngayon. Pagtingin niya sa tabi ay nakita niyang payapang natutulog si Liberty.

Napangiti siya dahil ngayon lang niya nagawang pagmasdan ang babae habang natutulog. He dreamed of this very moment a thousand times- yung magigising siya na katabi si Liberty at silang dalawa lang ang magkasama. Hindi nga niya akalaing matutupad pa iyun- na babalik pa si Liberty sa bayan nila… at sa buhay niya.

Nang maalala niya ng dahilan ng pagbabalik ng babae ay daig pa niya ang binuhusan ng malamig na tubig. Ang tuwang nadarama ay napalitan ng guilt.

Oh God, what have I done?

Kanina ay wala silang pakialam sa mundo- silang dalawa lang ang naroroon. They made love like there was no tomorrow. Ni hindi na nga niya naisip ang mga iniwang trabaho sa munisipyo- ang tanging importante sa kanya ay kasama niya si Liberty at kasalo niya sa kama!

But now- naisip niya na malaki ang kasalanang nagawa nila sa nobyo ng babae. Kung siya ang nasa lugar ng lalake ay baka kung ano ang gawin niya. Gusto tuloy niyang magduda kung totoong mahal ni Liberty ang nobyo- dahil bakit nito nagawang pagtaksilan ang lalake gayung ikakasal na sila?

May narinig siyang nagba-buzz mula sa kanyang pantalon na nasa sahig. Pinulot niya ang mga damit at natuklasang cellphone pala niya ang nagba-vibrate. Pagtingin niya ay nakita niyang may sampung missed calls na iyun at sampu ring text messages. Matapos mabasa ang mga mensahe ay agad siya nagtungo sa shower.

“Bakit ka nagmamadali?” tanong ni Liberty nang makita siyang lumabas galing sa banyo.

“May pupuntahan pala kaming lamay sa Calapan City ngayong gabi, nakalimutan ko. Kanina pa ako tinatawagan ni Ate Onay saka nung assistant namin sa partido.”

“Anong oras na ba?” Tumayo ang babae para magtungo sa banyo- she was naked. Napalunok ang binata pero hindi niya nagawang umiwas ng tingin.

“Alas-siyete na ng gabi.” Dalawang oras ang biyahe mula Roxas hanggang Calapan. Kung makakapagbiyahe siya bago mag-alas-otso, tiyak na darating siya roon ng alas-diyes.

“Gabi na pala, hindi ko namalayan ang oras. Kaya pala nagugutom na ako,” pahayag ng babae mula sa banyo. Nagsa-shower ito na bukas ang pinto.

“Gusto ko sanang kumain tayo pero kulang na ako sa oras.” Umupo siya sa may gilid ng kama para magsuot ng sapatos.

“Sama nalang kaya ako sa Calapan?” Sumilip mula sa banyo ang babae- puno ito ng sabon sa katawan. It was so sensual na muntik na siyang tumayo at samahan ito sa banyo.

Mabuti nalang at nanaig ang kanyang self-control. Ipinagpatuloy niya ang pagsuot ng sapatos

Heart Stealerحيث تعيش القصص. اكتشف الآن