Chapter Seven

5.8K 140 7
                                    

CHAPTER SEVEN

“MAX?” Hindi makapaniwala si Jonnie nang makita ang kaibigan na naroroon sa lamay na pinuntahan. “Bakit nandito ka?”

“Nakikiramay. Kaibigan ng mama ko yung asawa ng namatay,” ngumisi ang lalake, may hawak na ensaymada at kape. Mag-isa lang itong nakaupo sa isang mahabang bangko malapit sa pinto. “Bakit parang gulat na gulat kang makita ako?”

“E di ba papunta kayong Bangkok? Akala ko nga nandun ka pa!” Kinamayan niya si Max, saka umupo sa tabi nito. Ang ilan niyang kapartido ay nasa kabilang banda, nag-uusap-usap.

Sa bayan ng Roxas, tanging si Max lang ang kanyang nakakausap na hindi interesedo sa buhay-pulitika. Although sinusuportahan naman siya nito tuwing eleksyon at kapag may sarili siyang proyekto. Pero normally ay hindi ito nakikisali o nakikihalubilo sa iba kapag pulitika ang usapan.

“Nasa Maynila na nga kami, kaso may gulo raw doon ngayon. May mga nagra-rally yata sa airport kaya hindi na rin pumayag si papa na tumuloy pa kami. Sa Greenbelt 5 nalang nag-shopping si mama. Kanina lang kami dumating, mga alas-siyete.”

Itinuro nito ang mga magulang na nasa unahan, may mga kausap na tao, obviously ay mga importante din sa Calapan. Binalingan niya si Max.

“Akala ko pa naman may dala kang matamis na sampaloc,” biro niya sa kaibigan. Somehow he was aware that he couldn’t stop grinning and he couldn’t do anything about it. At sa ekspresyon ng mukha ni Max ay alam niyang may nahalata na rin ang lalake.

“So type mo rin?” tanong nito bago binuksan ang ikalawang ensaymada.

“Type ang ano?” he answered in his attempt to play innocent. Kumuha rin siya ng ensaymada dahil may apat pa pala sa tabi ni Max.

“Yang itsura mo. Para kang napapaligiran ng sangkaterbang ilaw! Ang liwanag mo o!”

“Shhh!” sita niya kay Max, saka tumingon sa likod. Baka kasi marinig pa ng mga kapartido niya.

“Anong shhh? Wala namang nakakakilala sayo dito no!”

“Andiyan ang mga kapartido ko. Kaya nga kami nandito di ba? Para makiramay.”

“Oo nga pala. Kamag-anak nga pala nina Gob si Auntie Merly,” wika ni Max. “Pero kahit na. Ano naman ang pakialam nila sa lovelife mo no!”

“Gago!” bulong niya. Sinuklian lang yun ni Max ng mahinang tawa.

“Lagi ka kasing nagkakape kaya ka nerbiyoso e.”

“Doon na nga lang tayo sa labas.” Tumayo siya saka naunang lumabas. Nagpaalam muna si Max sa mama nito. Mayamaya ay lumabas na rin ito.

“So ano, lover boy?” Nakangisi si Max. “Magpapakasal ka na rin ba? Sagot ko ang honeymoon!”

Heart Stealerحيث تعيش القصص. اكتشف الآن