THIRTEEN

136 3 1
                                        

Byun Beatrix'
POV

Alam ko na ang tanga ko sa part na naniwala ako sa lahat ng mga sinasabi ni Lucas.

In the end, ako pa rin ang nasaktan. Well, siguro nagpa-party na siya ngayon? At sobrang tuwang-tuwa dahil wala na siyang pangit na girlfriend.

Sana hindi na siya nagpakahirap na ligawan ako noon kung sasaktan at lolokohin lang din niya pala ako.

Inubos ko ang oras ko sa kakaiyak and i turned my phone off. Ni walang makakausap sa 'kin ng matino.

Ang sakit lang. My first boyfriend broke my heart. Ps, he's my first boyfriend. Ganito pala ka-sakit, ano? Kapag nag-invest ka ng sobra ay ikaw rin ang malulugi kapag nagkalokohan.

Hindi ko alam kung kaya ko pa ba'ng umibig ulit ng ganito. Nakakainis. Nakakapanlumo at nakakagalit.

Sabi ko kay Kuya lakabas ako ng kwarto ngayon at kakain pero ang hirap pa lang bumangon.

*knock knock knock*

"Oy panget?" rinig ko ang boses ni Kuya mula sa labas.

Nakahiga lang ako sa kama ko at wala akong balak na lumabas.

"Bakit?!" sigaw ko at itinago ang nginig sa boses ko.

"Umiiyak ka na naman. Halika punta tayong mall!" aya niya.

"Nandito 'yung mga loka-loka mong bestfriends!" sabi ni Kuya.

Nanlaki naman ang mga mata ko sila EUNICE?! Nandito sila?

"Hoy, Baekhyun! Anong sabi mo?! Loka-loka?! Kami?! Girls! Sugurin!" rinig kong sigaw ni Lara.

Tawa naman ng tawa si Jana naririnig ko. Nag-ayos muna ako at nang matapos ay tinignan ko ang sarili ko sa salamin para masigurong okay na 'yung itsura ko.

Lumabas ako at nakita ko si Kuya na dinadaganan nila Lara at sinasabunutan. Napangiti ako bigla. Hay, kawawang Kuya.

"Tama na 'yan, guys. Kawawa naman si Kuya!" nakangiti kong saway sa kanila.

Agad naman silang napatingin sa 'kin ng gulat at bigla nila akong niyakap.

Pati si Kuya sumali. "Hindi ka kasali, Khyun!" sigaw ni Lara sa kanya.

"Anong hindi? Kapatid ko 'yan, eh!" sigaw naman ni Kuya pabalik.

°●○★

"ANO?!"

'Yan ang reaksiyon nila nang masabi ko ang lahat. Kasalukuyan kaming nandito sa isang milktea-han na malapit sa'min- sa subdivision namin. Nag-order kami ng tig-iisang milktea at cake.

"Aalis ka? Bakit?" tanong ni Jana na naiiyak na.

Ngumiti ako ng mapait. "Kasi tuwing nandito ako naaalala ko lahat... At sa t'wing naaalala ko 'yun lalo lang akong nasasaktan." sabi ko.

"Sorry. Wala kami nung mga araw na nagluluksa ka. Nagda-dalawang isip kasi kami kung pupunta kami dahil alam naming kailangan mo ng space." paliwanag ni Eunice.

Hinawakan ni Lara ang kamay ko. "Kahit gaga ka! Oo na, Support ka namin. Basta babalik ka, ha?" sabi ni Lara.

"Oo nga. Nakaka-iyak naman 'yan pero wala na kaming magagawa, eh!" ngawa ni Jana.

I will miss them. Sobra. But i really have to heal and move on.

"Pwede niyo naman akong dalawin, ah?" sabi ko habang nakangiti ng makahulugan.

"Hala. Oo nga, 'no? Hindi ko naisip 'yon!" si Jana.

"Wala ka naman no'n, Jana." pambabara naman ni Eunice kaya nagtawanan kaming apat.

Kapag bumalik ako Lucas may confidence na ako. Hindi na ako magiging mahina. I can live without you.

EDITED.

A/N:
Thank you for reading! Sorry't medyo lame! <3

Cheater | Wong YukheiWhere stories live. Discover now