Byun Beatrix'
POVAng wild ng paligid. Lahat ng tao talagang ang ingay na sumasabay sa musika.
Malamang, Bea! Bar nga, eh. BAR!B.A.R!
Hanggang ngayon hindi ko pa rin iniimikan si Lucas kasi naman para saan? Eh, alam naman naming dalawa na mali 'yung ginawa namin kanina.
Well, alam ko na hindi naman 'yun mangyayari kung hindi ako nanghina at bumigay.
Tahimik lang ako rito na mag-isa sa couch namin sa VIP dahil ayaw daw magpatalo ni Kuya kay Eunice.
Dapat si Eunice ang magbabayad pero ayaw niya daw at siya na daw dahil 'di hamak na mas mayaman raw siya. Oh, 'di ba? Ang YABANG!
Silang lahat nagsasayaw at naghahanap naman ng mga babae sila Kuya malamang sa malamang.
May naupo sa tabi ko at pabango pa lang ay alam ko na kung sino 'to.
I look at him. Matalim ang mga titig ko sa kanya. I was thinking na siguro may babae na naman siyang nakilala diyan sa tabi dahil mahilig naman siya sa mga babaeng diyan lang sa tabi-tabi, eh.
Ang tanga ko nga noon na naniwala ako sa mga kagaguhang pinagsasasabi niya.
Ngayon niya ako sabihan ng kung ano-ano dahil hindi na takaga ako maniniwala sa kanya. Kahit kumuha pa siya ng dugo d'yan.
"Go and join them." sabi ko sa kanya ng hindi tumitingin.
Hawak ko 'yung baso na iniinuman ko. Uh, hindi pa naman ako tinatamaan. Siguro mga slight lang.
Hindi naman ganoon katapang ang alak na iniinom ko.
"Why would i? I won't leave you here alone." may bahid naman ng riin niyang sabi.
Tinignan ko naman siya at hindi ko namamalayan na napatitig na pala ako.
He's still handsome. His nose, his lips, his eyes, and his body. Siguro mas nag-mature lang 'yung body niya.
But i'm sure, he's still the same casanova, playboy, fuckboy at lahat na ng tawag sa mga lalaking ginagawang laruan ang mga babae!
I think i'm already drunk. Gosh. Kung ano-ano na ang sinasabi ko.
Uminom pa 'ko sa baso ko nang kinuha niya 'yun bigla mula sa kamay ko nang akmang iinumin ko na.
"Hey!" singhal ko sa kanya at tinignan siya ng masama.
"Stop it," sabi naman niya.
Why is he being like this? Bakit siya umaarte na parang kami pa? 'Di ba, wala na kami? Hah!
"You too! Stop it! You're not my boyfriend. So, stop acting like one." sabi ko sabay tayo.
Hahanapin ko na lang si Jisung. Bahala siya d'yan. Ayoko suyang kausap. Ayoko sa kanya!
Maraming kakilala si Lucas na binabati siya kaya naman alam kong nasa likod ko siya at nakasunod pa rin habang hinahanap ko si Jisung but i can't find him!
Damn that Man! Girlfriend niya 'ko, 'di ba?! Nasaan na siya?! Oh My!
Hinawakan niya ang braso ko bigla at inis kong iwinawaksi ang braso ko paalis sa kamay nito ngunit mula niya itong hinahawakan upang pigilan ako.
"Let me go, Lucas!" sigaw ko at alam ko namang walang may pakialam sa paligid dahil they're all partying!
"Let's go home." mariin na sabi niya na tila ba galit.
Wow, ha! Hinaltak na niya 'ko palabas bago pa ako makapag-react.
"Wait- WHAT?! Bakit iiwan natin sila, Lucas. Huh?" inis na tanong ko nang makarating kami ng parking lot.
Huminto siya sa tapat ng kotse niya at tsaka ako hinarap.
"Stop acting like you care, Lucas! Come on! Let me party! Let me do what i want! Let me enjoy!" galit na ngayon na sabi ko sa pagmumukha nito.
Medyo nahihilo na 'ko ngunit malinaw na galit rin niya akong tinignan.
"What? Ayokong hayaan ka ro'n, Beatrix! Mag-isa ka lang doon at akala mo ba hindi ko napapansin 'yung mga lalaking tingin ng tingin sa 'yo? Kung hindi lang ako dumating kanina baka nilapitan ka na ng grupong 'yon!" galit at inis ang umusbong sa buong sistema ko dahil sa sinabi nito.
Tinignan ko siya ng matalim. "Sino ka ba, ha? Sino ka ba sa akala mo sa buhay ko, Lucas? Kung makaasta ka para kang boyfriend ko! Eh, hindi ba ex na kita? Hindi ba niloko mo 'ko!? Pwede ba? Kung wala kang mapaglaruan at wala kang mahanap na babae o badtrip ka! Huwag mo akong idamay! Kasi ako ang gusto ko lang ay mag-saya dahil ngayon ko lang 'to ulit nararanasan. Unlike you na sanay na sanay na! Kaya wala kang karapatang gawin sa 'kin 'to!" sigaw ko na dahil sa galit.
Walang emosyon ang mga mata niyang nakatitig sa'kin ngayon. "Tapos ka na? Oo, niloko kita Bea. At alam kong napakalaki ng pagkakamaling ginawa ko sa 'yo! Pero sana naman 'wag mo 'tong isumbat sa 'kin ngayon! Mahal kita, Bea. Mula noon hanggang ngayon!"
My world stopped... and all i can hear is my heart that is beating so fast.
EDITED.
Author:
Isang Chapter kada isang araw! Thank you, guys! A lot! ILY all! •3•

YOU ARE READING
Cheater | Wong Yukhei
Fanfiction# 1 SUPERM SERIES TAGLISH WONG YUKHEI (LUCAS) COMPLETED ✓ © All Rights Reserved