Byun Beatrix'
POVNandito ako sa loob ng unit ni Lucas. Medyo naiinis pa 'ko kay Lara. Bakit hindi ko man lang alam na ex niya si Lucas? Ginawa ba niya 'yun para paghiwalayin kami?
Siya 'yung pinaka-unang gustong magpahiwalay sa 'kin kay Lucas nung kami pa! So, may plano siya?
"Yes, ex ko si Lara. She's my first girlfriend." pag-amin niya.
Nagulat naman ako dahil hindi ko alam. Hindi ko talaga alam. Pero sa kanya na mismo nanggaling. Hindi nagsisinungaling si Nicole.
"Sorry, hindi ko nasabi sa 'yo." yumuko siya.
Tumango naman ako. "Okay lang. Well, past is past. Kaya ko lang itinanong 'to mismo sa 'yo para makasigurado na hindi nagsisinungaling si Nicole. Anyways, i have to go at baka naghihintay na si Jisung." paalam ko.
Tinignan niya 'ko ng seryoso. "Mahal pa rin kita, Bea. Give our relationship a second chance... Please, give me a second chance." bakas ang pagmamakaawa sa boses nito.
Tinignan ko siya ng walang emosyon sa mga mata. "Lucas, nung niloloko mo ba 'ko... naawa ka ba sa 'kin? 'Di ba, hindi? Walang kwenta kung magkakabalikan tayo dahil hindi na rin naman kita mahal." sabi ko at lumabas na doon.
Sigurado ka ba? Sigurado ka wala na, Bea?!
Ang dami nang gumugulo sa isip ko at hindi ko na alam kung ano pa ang uunahin ko!
Nagpunta na lang ako ng parking lot at nakita ko si Jisung na nakasandal sa kotse niya habang nakatingin sa floor at mukhang malalim ang iniisip.
I waved my hand infront of his face at unti-unti naman siyang nag-angat tingin tsaka ngumiti. Halata sa ngiti niya na peke 'yun.
"I'm sorry... gusto ko lang naman na sunduin mo 'ko. Busy ka ba?" nahihiyang tanong ko at alanganing ngumiti.
Lumapit naman siya sa 'kin at yumakap.
"If you still love him, Bea... go on. I will not force you to love me."
EDITED.

YOU ARE READING
Cheater | Wong Yukhei
Fanfiction# 1 SUPERM SERIES TAGLISH WONG YUKHEI (LUCAS) COMPLETED ✓ © All Rights Reserved