THIRTY TWO

110 1 0
                                        

Byun Beatrix'
POV

Matapos sabihin 'yun ni Eunice tulog siya bagsak, eh.

Jisung cleared his throat.

Napaiwas naman ako nang tingin. 'What if' siya naman pala talaga ang mahal ko na? Pero 'what if' kasi 'yun! Ang gulo gulo! Ang landi ko kasi, eh.

Hindi ko na alam kung ano pa ba'ng dapat kong gawin. Huwag na lang kaya? Tama! Hindi na lang ako pipili sa kanila!

Pwede naman sila maghanap ng iba at ganoon din ako.

Should i choose the man who broke my heart? Kasi kung pipiliin ko si Lucas ibig sabihin napatawad ko na siya at hahayaan ko ulit siya na pumasok sa buhay ko.

Kung si Jisung ang pipiliin ko. Am i going to be happy? I don't want to make a desicion that i'll regret forever.

Who should i choose?

Hwang Lucas'
POV

"Lucas? Lucas, are you there?! Open this goddamn door!"

Tangina! Tangina talaga! Anong oras na bakit nambubulabog pa ang pinakamagaling na si Mark?! Nakakasira ng gabi.

"Wait lang! 'Wag mong gibain ang pintuan ng unit ko, gago!" sigaw ko at diretsong pumunta sa harapan ng pintuan ko.

Pagkakita ko sa kanya ay agad ko siyang pinapasok. Bugbog ang mukha ng mokong. Anyare dito?

"Ang gago ko, p're! Ang gago ko!" sabi niya at lumapit sa'kin tsaka kinuha 'yung iniinom kong alak.

Akin 'yan, eh. Shit.

"Ano ba'ng problema mo?" tamad na tanong ko habang umiiyak ang gago.

Minsan ko lang makitang umiyak 'to kaya napaseryoso ako ng mukha

"Muntik... muntik ko nang magahasa si Liana, pare." sabi niya habang napapasabunot sa buhok niya.

Napatayo naman ako. Gago nga!

"Putangina?! Pare naman hindi ka naman gano'n, ah?! Ano bang ginagawa mo, ha?! At akala ko ba si Eunice?!" sigaw ko sa kanya. Gusto kong iuntog sa pader 'to.

"Pare, akala ko siya si Eunice..
U-umamin siya na gusto niya 'ko pero hindi pwede dahil daw mahal ako ni Eunice. Nakainom ako p're akala ko... Akala ko talaga siya si Eunice. Nakikita ko si Eunice kahit saang sulok ako tumakbo, at pumunta. Siya lang talaga, Lucas. Ang hirap lang kasi hindi naman ako 'yung nasa isip niya, eh..." binigyan ko siya ng beer at umupo sa tabi niya.

Nakakaawa naman, eh. Broken hearted din naman ako dahil nauunahan ako ni Jisung.

Magkaibigan kami pero bakit ganito?Ayoko sanang itapon na lang lahat ng pinagsamahan namin para sa isang babae lang. Kaya lang kasi special para sa amin si Bea.

"Binugbog ka ng kuya ni Liana, 'no?" tanong ko at tumango naman siya habang nakatulala.

"Wala akong maa-advice sa 'yo dahil parehas lang tayong broken hearted." sabi ko at yumuko na lang.

Hindi na naniniwala sa 'kin si Bea. Talagang akala niya hindi pa ako nagbabago.

Akala niya gano'n pa rin ako pero tangina. Tangina, kung alam lang niya. ng alam lang sana niya kung bakit ko nasabi 'yun.

Hindi ko naman ginusto 'yun nirerespeto ko lang ang mga magulang niya at magulang ko.

Ipapakasal nila sa iba si Beatrix kaya kinausap nila ako.

Anong magagawa ko? Hindi ba't wala dahil alam kong si Denise rin ang makakatuluyan ko at pakakasalan ko sa huli...

Wala akong choice kung hindi ang saktan ang damdamin ng babaeng mahal na mahal ko.

EDITED.

Cheater | Wong YukheiWhere stories live. Discover now