Byun Beatrix'
POV"Kapatid!"
Tinalikuran ko si Kuya.
"Kapamilya ako. Hindi kapatid." nag-bleh ako sa kanya.
Kapamilya naman kasi talaga ako, eh. Kapatid yata siya. Tss.
Naisip ko bigla si Jisung. Hays, nasaan kaya 'yon? Is he... okay?
Papasok na ako sa kwarto ko ng biglang sumingit si Kuya at nauna pang pumasok ng kwarto ko. Aba? Nahiga siyang diretso sa kama ko.
Aba, señorito?!
Hinayaan ko na lang at hindi na nagsalita.
"Kuya, sa tingin mo? Uh, dederve ni Lucas ang second chance?" i asked my brother, a bit hesitant.
May malaking question mark sa mukha niya. Inside my head too many questions! Straykids pa more.
"Hmm. I think everyone deserves a second chance. Alam mo, Bea. Kahit ano pa man ang desisyon mo nandito lang si Kuya, okay? Hindi kita pababayaan at hindi kita hahayaang masaktan ulit! Tama na 'yung ilang beses!" sabi niya.
Tumabi ako sa kanya sa kama ko. I'm so lucky to have a brother like him! Kahit madalas ay para kaming aso't pusa.
"Salamat, Kuya. Pero nasaktan kasi ako, eh. Sinaktan niya ako, niloko niya ako kahit wala akong ibang ginawa dati kung hindi ang mahalin siya." sabi ko sabay buntong-hininga.
"Alam mo ba? Ganyan talaga kapag nagmamahal. Hindi pwedeng hindi ka masasaktan. Parang buy one take one 'yan, eh. Kapag nagmahal ka may kakambal talagang sakit, hindi naman laging happy ending, at hindi rin lahat ng storya puro romance. May iba thriller, joke! Pero seryoso, Bea. Hindi lahat ng storya masaya lang lagi, hindi lahat ng ending happy. Choice naman natin 'yon kung gusto natin ng happy ending. Kasi desisyon pa rin natin ang mananaig hindi desisyon ng iba. Kaya kang walang forever." okay na sana, eh.
Seryoso na sana siya kaya lang hindi talaga niya kaya! Aish, Byun Baekhyun!
Napaisip naman ako sa sinabi nito. "Kuya, ikaw? Okay na ba kayo ni Eunice?" tanong ko at medyo alanganin pa ako sa pagtatanong baka mamaya kasi magalit or masaktan siya.
"Isa pa 'yun! Hindi ko alam. Hindi ko na alam. Minahal ko lang naman siya, Bea. Pero talagang may kaakibat na sakit kapag nagmamahal..." sabi niya.
Napuno naman ng sakit at pait ang boses nito habang nakatitig sa kisame ng kwarto ko.
"Alam mo 'yun? 'Yung tipong okay na, eh. Masaya na kami ni Eunice kaya lang nung na-realize niya na mahal niya pala si Mark? Tangina, ang laking sampal sa akin!" nabasag ang boses nito kaya napatingin ako sa kanya.
He's... crying! First time ko siyang makitang umiyak!
Naupo siya kaya naupo rin ako sa tabi niya. Hinimas ko ang likod ni Kuya upang pakalmahin siya.
Sana mahanap mo rin ang forever mo, Kuya. You deserve all the happiness in the whole universe.
"Kaya ikaw, Bea. Huwag mo nang sayangin pa ang oras na 'to. Kung mahal mo si Lucas. 'Wag mo nang patagalin pa baka kasi mamaya hindi ka na pala mahal." tumayo si Kuya at umalis ng kwarto ko.
Natulala ako saglit.
Everyone... deserves a second chance.
Si God nga nagpapatawad, eh. Tayo pa kaya? Sana nga nagbago ka na, Lucas.
EDITED.
NOTE: kung si God nagpapatawad, pwes ako hindi.

YOU ARE READING
Cheater | Wong Yukhei
Fanfiction# 1 SUPERM SERIES TAGLISH WONG YUKHEI (LUCAS) COMPLETED ✓ © All Rights Reserved