Byun Beatrix'
POV"Guys, whoa! Let's party!"
Sigaw ni Jana na halatang lasing na dahil nawala ang pagkamahinhin ng loka.
Si Lara naman ay parang broken hearted. Same din kay Eunice. What the hell.
"Party!" sigaw pa ni Jana habang nandoon sa gitna ng dance floor na nagwawala na.
Napailing na lang ako dahil umiikot na rin ang paningin ko pero hindi pwede. Mailangan ko mag-drive dahil wala si Kuya at may inaasikaso somewhere on earth.
Tulala at lasing na rin si Lara at Eunice. Anak ng! Ako pa talaga magiging driver.
"Waah! A-ayoko na, Mark!" sigaw ni Eunice.
Jusko. Natamaan na nga! Akala ko nga si Jana ang may gusto kay Mark, eh.
I was wrong. Maya-maya ay may humawak nang braso ko at pagkatingin ko akala ko kung sino kaya magpupumiglas sana ako kaya lang nakita ko si...
"JISUNG?!" sigaw ko.
Ngumiti siya at ang gwapo talaga! "Yes, Bea. Come on. Uwi na tayo. Call your friends." sabi niya at tumango na lang ako tsaka binulungan si Lara.
Binulungan na rin ni Lara si Eunice at pinuntahan naman ni Jisung si Jana tsaka kami nagpunta ng sabay sabay sa parking lot.
"Ano ba'ng naisipan niyo? 'Buti na lang at tumawag si Baekhyun Hyung. Kung hindi siguro nadisgrasya na kayo." nag-aalalang sabi ni Jisung.
"Sus! Nag-aalala ka lang kay Bea, eh." sabat ni Lara.
Sinamaan ko siya nang tingin habang seryosong nagdra-drive si Jisung.
"Alam mo, Bea. Give Lucas a chance! Ayaw man namin sa gagong 'yun pero kung ano ang ikasasaya mo okay na sa amin." Lara.
"Oo nga! At isa pa, Bea. Gwapo at yummy naman si Lucas, eh. Kaya okay lang 'yan! Basta 'pag sinaktan ka niya ulit? Talagang sisipain ko na siya." Jana.
Natawa ako sa sinabi ni Jana.
"Gaga! Hindi mo pa nga natutuloy 'yung sinabi mong pagsabunot mo kay Lucas noon nung mga collage pa lang tayo." sabi ko habang naiiling na umayos sa upo.
"Basta ako... hindi ako mamimili kung ako si Bea. Siguro hanggang friends na lang kasi ayokong may masaktan. Mahirap makasakit, Bea. Talagang nakakakonsensiya kaya mag-isip kang mabuti. Tignan mo ako, nagsisisi dahil nakasakit ako ng tao. Nasaktan ko siya, Bea. N-nasaktan ko 'yung lalaking mahal na mahal ko naman pala... 'yung akala kong lalaking wala lang sa akin...'yung lalaking nag-stay sa tabi ko nung mga araw at panahon na down na down ako... 'yung lalaking parating nasa tabi ko kung kailangan ko. Think, Bea. Baka mamaya hindi naman pala si Lucas ang mahal mo, baka mamaya nawalan ka na ng pagmamahal doon sa gagong 'yun, baka mamaya... si Jisung na pala ang mahal mo at magsisi ka sa huli na hindi siya ang pinili mo..." Eunice.
EDITED.

YOU ARE READING
Cheater | Wong Yukhei
Fanfiction# 1 SUPERM SERIES TAGLISH WONG YUKHEI (LUCAS) COMPLETED ✓ © All Rights Reserved