Byun Beatrix'
POVNatigilan ako sa sinabi ni Jisung at ramdam ko ang bigat na nararamdaman niya.
"J-jisung, ano ba'ng sinasabi mo, ha?" tanong ko, nautal pa ako.
Humarap siya sa 'kin nakangiti siya ng malungkot. "Aalis na kasi ako..."
Nagulat naman ako sa sinabi niya.
Aalis? Anong aalis?
"A-ano? Teka-" huminto ako nang ngumiti siya sa akin ulit na alam kong peke.
"Jisung, hindi naman totoo 'yun, 'di ba?" puno ng pag-asa ang boses ko ngayon.
Ewan ko bakit ang hirap. Gusto ko na ba si Jisung? Hinawakan niya ang pisngi ko at bumilis naman ang tibok ng puso ko.
"J-jisung, gusto na yata kita," namumula kong pag-amin.
Hindi ko alam kung saan ko napulot ang lakas ng loob ko na sabihin sa kanya 'yun.
Nagliwanag naman ang mukha niya at ngumiti na naman. Ginulo niya ang buhok ko.
"Sabihin mo iyan ulit sa akin kung ako na 'yung pinipili mo. Basta okay na ako na gusto kita kahit hindi mo na suklian pabalik..." sabi niya tsaka pinagbuksan na niya ako ng pinto ng kotse niya.
Pumasok na ako pero tahimik lang kami.
Jisung-Yah! You're really making this hard for me! Geez.
EDITED.

YOU ARE READING
Cheater | Wong Yukhei
Fanfiction# 1 SUPERM SERIES TAGLISH WONG YUKHEI (LUCAS) COMPLETED ✓ © All Rights Reserved