~CHAPTER 7~

141 22 0
                                    

CHAPTER SEVEN

Trixie PoV

Kanina pa ako hindi makatulog, kaya nung may tumama na liwanag sa mata ko, nagmulat ako, akala ko umaga na pero hindi pa pala, liwanag ng buwan pala, hindi ako sanay sa dilim, lalo na't hindi ako sanay na maliwanag, sakto lang.

Bumangon ako at tumingin sa gilid ko, tulog pa yung tatlo, ang himbing ng tulog nila. Tumingin ako sa orasan dito sa kwarto ni Kindra, nakita ko alas dose palang ng gabi. kaya napagisipan kong magpaantok sa balkonahe. Tatayo na sana ako ng napansin kong may nakayakap sakin, si Jirah pala. aww ang kyuut. Dahan dahan kong inalis yung kamay niya dahil baka magising siya.

Pagkatayo ko, lumabas agad ako ng kuwarto, di kase ako sanay e mas gusto kong sa sofa o sa lapag nalang matulog. Bago pako makalayo sa kuwarto ni Kindra, may nadaanan akong isa pang pinto, di ko nalang pinansin dahil baka dun natutulog si Xian. Medyo madilim padin sa hallway kaya kapa kapa akong pumunta ng sala. Pagpunta ko sa sala, nakabukas yung ilaw. Sa pagkakaalam ko nakapatay to e.

Pupunta na sana akong balkonahe para magpahangin pero may nakita akong hugis tao na nakahiga sa sofa, di ko makita kung sino to kasi nakatulakbong siya.

Lumapit ako sa sofa at tinignan mabuti yung hugis tao, pero hindi ko talaga malamam kung sino to. "Baka yung katulong ni Kindra dito natulog?, Oo tama" sabi ko sa sarili ko, paalis na sana ako ng biglang may humawak sa kamay ko.

Nagulat ako, pagtingin ko yung nakahiga siya. Maya maya pa biglang gumalaw yung kumot tapos bumangon si- Xian?! bat dito siya natulog? fuck akala ko dun siya sa kabilang kwarto?

"Bakit mo kinakausap sarili mo? Bhala ka baka mamaya may sumagot diyan" pananakot niya, napairap nalang ako sabay tanggal sa kamay niyang nakahawak padin. bigla siyang nailang at nagiwas ng tingin.

Di ko nalang siya sinagot at aalis na sana ako ng hawakan niya naman sa braso ko.

"Ano bang problema mo?!, Kanina kapa ah!" sigaw ko sakanya. lokong to!

"Shhhh. ano ba? nagtatanong lang ako? masama ba?" sabi niya sabay hinigpitan yung hawak sa braso ko.

"Bibitawan mo o puputulin ko yang kamay mo? sagot!" sabay irap sa kaniya naiinis na siya ha.

Bigla niyang binitawan kamay ko, takot ka din pala e.

Padabog akong umalis don at pumunta agad balkonahe. tsaka ako huminga ng malalim.

"Kalmaa Trixs! wag kang magpa-epekto sa lalaking yan!" sabi ko pa sabay inhale exhale.

"What the fuck are you doin' ?" rinig ko sa likod ko pero alam kong malapit lang siya, sarap niyang paltukan grrRR

'Wag mo nalang pansinin Trixs' sabi ko sa sarili ko. 'Wag kang lilingon para magmukha siyang baliw' dagdag ko pa habang tumitingin tingin kung saan.

"Mukha kang tanga, Ganyan ba kalakas karisma ko sayo?" Bigla akong napalingon dahil sa sinabi niya.

"Ano? Ano? Pakiulit nga?" sabi ko habang tinuturo yung tenga ko, baka mali lang ako ng narinig siya? yak ha!

"Sorry, pero di ako kumakausap sa panget, at di ko na kailangan ulitin, baka mahulog kapa" ngisi ngisi niyang sabi, kapal naman ng apog niya!

"Eh bat moko kinakausap?! alam kong panget ako, pero bakit moko kinakausap? nangangasar kaba!" sabi ko habang nakaamba na siyang suntukin, kahit babae ako nanununtok ako ha!

"Shhh! ang ingay mo." sabi niya na nakatapat pa yung hintuturo niya sa bibig niya. "Tsaka di ka naman pangit e. kaya nga ko nahulog" bulong niya.

Behind The Real MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon