~CHAPTER 11~

158 19 0
                                    

             。Dedicated to _zauzer_
CHAPTER ELEVEN

Trixie PoV.

        Pumasok ako sa loob ng room ng may ngiti sa labi, matagal ko ng hinihintay yung kaibigan ko na 'yon, paano ba naman kasi hindi na nagpakita sakin yung lalaking 'yon pagkatapos ng graduation.

"Oh ba't naka ngiti ka?! nasan na yung kuyang nanghila sayo?! kapal naman ng mukha non! nasan na at sasampalin ko!!" salubong agad sakin ni Jirah.

"Kalma ka muna Jirah, kababata ko yung lalaking 'yon, ngayon lang nagparamdam." sabi sabay upo sa upuan.

"Hmm, panigurado may malalim na dahilan 'yon kaya ka niya hinila kanina, ano kaya 'yon" tapos ngumiti siya sakin ng nakakaloko, tumataas-taas pa yung kilay. Tinarayan ko nalang siya.

Medyo napatagal si Lexians sa labas, kaya maya maya pa, tsaka siya pumasok sa pintuan tapos dumiretso sa likod ko.

Nagtinginan yung mga kaibigan ko sa kanya, dahil nakangisi si tanga. mukha siyang sira.

"Hatid na kita mamaya?" sabi niya sakin ng todo ngiti.

"Okay, nakita ka na ba nila inay?"  tapos nilingon ko siya.

"Sa totoo lang kahapon pa, kaso di kita naabutan sa inyo kaya di ako nagpakita sayo." nagkunwari pa siyang malungkot ang kyuuuut.!

"Bakit kase hindi ka nagpakita sakin pagkatapos nung graduation?" nagtataka padin na tanong ko, kating kati na yung bibig kong itanong yun.

"Let's talk about it later, dinner narin tayo mamaya, Ano?" sabi niya tapos nagtaas baba pa yung kilay niya.

"Pag hindi ako sumama, panigurado pipilitin moko hanggang sa pumayag ako, kaya sige!" sabay taray ko sa kanya. Si loko naman ngumiti lang.

Tumingin nalang ako sa unahan dahil dumating na yung Teacher namin. Naka dress siya at may blazer, tapos naka heels hindi naman masyadong mataas, bitbit niya yung libro sa kanang braso. Ang ganda niya, nakaka starstruck.

"Hi Ladies and Gentleman, I would like to introduce to all of you my name. I'm Nairi Macheda, I am your Teacher in MAPEH." ang galing niya mag-accent ng english. diretsong-diretso.

"Since this is seconday of school—" hindi natuloy yung balak sabihin ni Ma'am kasi may biglang kumatok sa pintuan, si Ma'am Shaira pala.

"Excuse Ma'am, pwede po mag announce?" naka silip na sabi ni Ma'am Shaira.

"Hindi, Charot, Go ahead" Nagtawanan kaming lahat dahil nagtagalog siya hindi lang don kung hindi ang kyut ng tagalog niya, napaka kalog pa.

Umiling nalang si Ma'am tapos pumasok na.

"Okay, I repeat again. I will remined to all of you lang yung about sa Video Presentation niyo. Hihintay ko yung sainyo, Andrew, Jewel, Honey at Max! Yun lang Ma'am thankyou." sabi niya sabay labas. Bumulong ako sa katabi ko.

"Bakit hindi tayo natawag? napasa niyo na?" napairap naman 'tong katabi ko.

"Oo, paano mo malalaman e lumabas kayong dalawa niyang boylet mo" tapis umirap nanamn.

"Dukutin ko yang mata mo e" bulong ko.

"Ha?" naka nga nga pa siya.

"Wala!" sigaw ko sa kanya.

"Hangggang sa dulo ng ating walang hanggan" kanta niya sabay tawa. inirapan ko nalang siya.

"Okay class I'll continue na, Actually, I'm pretty sure that your adviser told na we don't have an lipatan. So since 2nd day palang, I would rather choose to have an game! And who will win, I'll give some credit. Okay?!" sabi ni Ma'am tapos pumapalakpak pa. Yung mga kaklase ko naman nagliwanag yung mukha.

Behind The Real MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon