~CHAPTER 8~

144 21 1
                                    

CHAPTER EIGHT

Trixie PoV

Ano yung nakita ko? Totoo ba yon? Bakit? Anong Bakit Trixie?! Malamang dahil mahal ni Xian si Kindra! shat up Trixie wala ka lang sa kanya okay?! sino ba kasing aasa sa isang katulad niya?? Grrr! Masyado kang gumagawa ng isyu dun Trixs shat up na.

Kanina pa ako dito sa kwarto ni Kindra kasama ko yung dalawa at tulog na tulog na walang alam, habang ako eto ang daming iniisip.
Bakit kase ganon? Alam nya naman na nandon ako sa sofa tapos maguusap nalang ang ingay pa.

Habang nagde-day dream ako, at naiinis padin ako dahil sa nangyari. Biglang bumukas yung pinto, alam kong si Kindra yon kaya ng tulug- tulugan ako mahirap na baka sabihin na nakita ko aish!

Lumapit si Kindra sa gawi ko"Kanina nandon ka sa sala ah? bakit nandito kana ngayon?" sabi niya. "Baka nalamigan kana kaya ka lumipat, tama tama," Nakita niya ako don sa sala? shetee. sabi niya pa ulet at humiga sa kama na animo'y kinikilig, kuritin ko singit niya diyan e.

Nagunat unat ako para kunwari bagong gising lang ako, sabay hikab para mas lalong effective hihi.

"Anong meron? anong oras na? bakit gising kana?" sabay sabay na tanong ko.

"Kalma kalang naman Trixie, ang dami dami mong tanong ganto kase hihihi, ano hihi" paputol putol na sabi niya. kinikilig si tanga oh hmp.

"Itutuloy mo o itutuloy mo ha? tatampalin kita diyan kanina kapa grrr!" habang nakaamba pa yung kamay ko na handa siyang sampalin chourr HAHAHAHAH..di ako ganon tsk tsk

"Eh kasii, hihihi" inambahan ko siya "Eto na nga e, si Xian kasi gusto niya ako" sabi niya sabay yuko at patuloy na kinikilig. Tungkol lang pala.don, yah right nakita ko.

"Ah yun lang pala, ahm congrats" sabay ngiti sa kanya, niyakap naman niya ako. Hinagod ko nalang yung likod niya.

Nung time na nakita ko silang ganon, inaamin ko na nasaktan ako, pero bakit?! wala naman akong nararamdaman para masaktan! ano ba to?! abnormal na ba ako?!

Kumalas siya sa pagkakayakap sakin at nagsalita "Magayos kana, may pasok pa tayo, para maiuwi kana namin sainyo." Tinignan ko yung orasan. alas-sinco na pala, ang bilis pala ng oras pag nakikichismis ka.

"Ahm sige. paano 'tong sila Jirah at Andrea?" sabay turo sa dalawa na tulog na tulog.

"Don't worry, pinagpaalam ko na sila sa mga parents nila and pinadala na yung mga gamit nila para dito na sila sa bahay mag aayos, maaga pa naman, kaya ikaw muna kasi uuwi kapa remember?" sagot niya pabalik, tumango nalang ako bilang tugon, lumabas siya ng kuwarto at syempre lumabas na din ako, dahil alam kong nasa sala yung mga gamit ko.

Pagkababa namin sa sala, nakita namin si Xian nanonood ng Tv. Lumapit agad si Kindra don at yumakap. Kung makaasta kala mo sila na. Grr! Wait! what!? ano yung sinabi ko? at ano ulit yung pangalawa kong sinabi? nage-english ako? shete naman!

Agad nagtama yung paningin namin ni Xian pero nagiwas agad siya ng tingin, tinarayan ko nalang siya kala niya.

"Trixie mag ayos kana" singit ni Kindra "Hahatid ka namin ni Xian, Right?" sabay tingin niya kay Xian

"Yah right," sabi niya nang hindi tumitingin sakin.

"nyah nyaright" pag gagaya ko. sarap niyang paltukan.

"May sinasabi ka Trixs?" bigla akong napalingon kay Kindra, nakataas yung kilay niya. Geeez.

"Wala magaayos na sana ako, nasan naba kase yung bag ko" kunwari may hinahanap ko, totoo naman e di ko alam kung nasan yung bag ko Grrr.

Behind The Real MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon