~CHAPTER 15~

144 20 1
                                    

CHAPTER FIFTEEN

Xian PoV.

Mabilis siyang umalis pagkatapos niyang sabihin ang mga linyang iyon, The Fuck?! Seryoso ba siya?! Damn Xian! Si Trixie usapan! sa tingin mo magbibiro yun ng ganon?! Bobo!Bobo!Bobo!.

Naghintay ako ng ilang pang minuto, sapat na para masiguradong tulog na silang lahat maliban sakin, 'tsaka ako umakyat at gaya ng inaasahan ko, tulog na sila, Lumapit agad ako sa mga damit ko at sinimulang ayusin iyon. Napatingin ako kay Lexious at pinagmasdan siya, kalmado siyang natutulog, di mo maita-tanggi na pogi siya, maangas ang dating, matangos ang ilong, at matangkad.

"Tangina! Xian nababakla kana ba?!" pasinghal ko sa sarili ko "Fuck! nababaliw na ata ako" sabi ko sabay kamot ng ulo.

Agad tumama ang tingin ko sa cellphone na nasa side table. Lumapit ako ng dahan dahan at mabilis na kinuha iyon ng walang ingay. Tinignan ko ang lockscreen kung ito na nga ba iyon at nagpapasalamat ako dahil eto yun.

Tinignan ko at wala namang pattern iyon, naalala ko padin yung sinave kong number dito. Pero di ko padin mahagilap ang number niya shit.! Nag tingin tingin pa ako ng mapunta ako sa messages, nakita kong meron itong text na hindi pa naka read. Siguro ay hindi niya alam na may text dahil hindi pa siya marunong gumamit, ang tanging alam niya lang ay ang pag nood nood ng kung ano ano.

Pinindot ko iyon at nakita kung sino ang nagtext.

'Trixie, babalik ako maya maya mag coffee lang ako sa baba' sabi ko sa isip ko. At alam ko na agad kung sino iyon, Si Lexious.

Agad na hinanap ko ang cellphone niya, at nakita ko ito sa gilid ng sofa na malapit nang mahulog sa lapag. Onting galaw nalang niya mahuhulog ito. Kukunin ko na sana ng gumalaw siya at hindi ako nagkamali, nahulog ito, gumawa ng ingay pero hindi dahilan para magising siya. Dahan dahan akong yumuko at kinuha ito.

Binuksan ko 'yon at kamalas malasan ay may password ito! Hindi siya finger print or pattern, mukha niya mismo. Napakamot ako ng ulo ko dahil sa kamalasan, ngunit nagbago ito ng may naisip ako.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya at iniharap sa kanya ang cellphone, at maya maya pa bumukas iyon! mabait padin sakin ang panahon kahit papaano.

Sa loob loob ko gusto kong sumigaw pero nanatili akong tahimik para hindi sila maistorbo.

Di na ako nagpaligoy ligoy pa at binuksan ko na agad ang messages. Tapps nakita ko don ang Text niya.

Naka lagay 'Trixs' yung name do'n sa text niya. Hinanap ko kaagad yung number na iyon atsaka kinuha yung cellphone ko para ittype.

Habang ginagawa ko iyon nakangiting aso ako HAHA! shet! sobrang saya ko naman.

Pagkatapos non agad agad kong binalik yung cellphone sa dating pwesto, syempre saan paba, sa baba nahulog yun e hmp!

Tinignan ko pa si Trixie ng ilang minuto pa, sobrang ganda niya kahit may benda sa ulo, sobrang bait, kaso pag inaway mo ganon den gagawin niya sayo, ewan ko ba kung bakit siya pa nagustuhan ko.

Bumuntong hininga ako tsaka pa ako bumaling do'n sa mga babae, kailangan kong magpaalam.

Inalog alog ko si Kindra, si Kindra nalang para hindi na maistorbo yung ibang babae.

"Hmm" angil niya habang nakapikit pa, dahan dahan namulat yung mga mata niya, ng makita niya ako agad siyang bumangon. "Bakit??" halata sa mata niya yung antok at nilalabanan lang niya iyon.

"Uuwi na ako, may biglaan kasing nangyari sa bahay" sabi ko, nang marinig niya 'yon nagbago yung inaantok niyang mga mata at parang biglang nagising.

Behind The Real MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon