~CHAPTER 20~

104 14 0
                                    

CHAPTER TWENTY

Trixie PoV

Nung gabing umamin sa 'kin si Xian hindi ako halos nakatulog. Patuloy nage-echo sa isip ko 'yung mga sinasabi niga, pero alam kong hindi 'yun tama, oo gusto ko din siga, hindi ko alam kung pa'no o kailan nag-simula, pero oo, gusto ko siya at gusto siya ni Kindra, at kaibigan ko si Kindra ayokong masira ako sa kaniya dahil lang kay Xian kaya alam kong mali 'yon.

"Trixie? Naririnig mo ba 'ko?" rinig kong sabi ni Lex kaya napatingin ako sa kaniya, kanina pa pala ako nakatulala sa bintana ng kotse niya.

"H-ha? ano ba 'yon?" nalang nasagot ko dahil hindi ko alam pinagsasabi niya.

Bumuntong hininga muna siya. "Sabi ko, kamusta tulog mo dahil namamaga kako mata mo atsaka ano ba iniisip mo?" sabi niya,seryoso habang nasa daan ang tingin.

Umiling ako. "Wala, iniisip ko kung pa'no makakabawi sa mga absents ko" napaiwas ako ng tingin tsaka nakagat ang labi ano bang klaseng dahilan 'yon Trixie? aish! Tumingin ulit ako sa kaniya. "Atsaka..." tumingin siya sa 'kin na nagtatanong.

"Ano?" sabi nita tsaka tumingin agad sa daan.

"Atsaka gutom din ako kaga gano'n hehe." ayun nalang ang naging dahilan ko. bwiset.

"Really huh? okag then, kain muna tayo, maaga pa naman eh" nakangiting sabi niya tsaka dinala ang sasakyan sa isang karinderya na malapit lang sa school.

"Umupo kana" sabi niya tsaka pumunta sa counter, naghanap ako ng upuan at umupo do'n.

Ng dumating na 'yung pagkain, tahimik lang akong kumakain ng mat magtext sa 'kin. Kinuha ko 'yung cellphobe ko tsaka tinignan kung sino 'yon, 'yung laging nagte-text sa 'kin hindu naman nagpapa-kilala. 'Nasa school kana?' sabi sa text.

"Sino 'yan?" biglang sabi ni Lex, sa taranta ko  nabalik ko kaagad 'yumg cellphone ko sa bulsa ko tapos nasagi ko 'yung tubig kata natapon ito sa palda ko.

"Ano ba 'yan Trixie ang clumsy mo" sabi niya tapos inabot niya sa 'kin 'yung handkerchief niya, pagka-bigay palang ng handkerchief niya , amoy mo na agad 'yung panlalaki niyang pabango.

Pinunas ko nalang 'yung handkerchief na bigay niya pero saglit pero saglit lang dahil nakakapang-hinayang ipunas dahil sa sobrang bango. Baka mag amoy pempem ko lang, shocks! nakakahiya!

"Sino ba kase 'yon?" seryosong baling niya sa 'kin, tapos tumuloy sa pagkain.

"A-ano..." sino ba idadahilan ko…? "Si Jirah, oo tama! tinatanong niya kung nasa'n na daw ako dahil may sasabihin daw siya sa akin,gano'n." sabi ko at kagat labing yumuko.

"Hmm, dalian na natin dahil baka importante 'yan. " sabi niya tapos sumubo ulit. Tumango nalang ako tsaka kumain. Kumain nalang ako ng kumain at inalis ang isip sa nagte-text sa 'kin, lalong lalo na kay Xian, sa huli napagdesisyonan ko na hindi nalang replyan 'yung nagtext, baka mamaya na-wrong send lang.

Agad kaming nakarating sa school, nauna na ako at nasa likod lang si Lex. Pumasok na ako sa loob at gaya ng inaasahan ko wala si Xian.

"Good morning Trixie!" malanding bati ni Kindra.

"Good morning Trixs!" si Jirah, agad kong naalala 'yung sinabi ko kay Lex pero naunaham na niya agad ako.

"May sasabihin ka daw sa kaniya Jirah?" sabi niya tsaka umupo sa likod ko at deretsong tumingin sa 'min. Napayuko nalang ako dahil sa sobrang malas. Nagtatakang tumingin sa 'kin si Jirah.

Behind The Real MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon