~CHAPTER 18~

124 20 0
                                    

CHAPTER EIGHTEEN

Trixie PoV

Hindi ko alam kung anong oras na at pakiramdam ko pagod na pagod ako kahit wala naman akong ginawa.

Naramdaman kong may yumuyugyog sa 'kin "Ate gising na, may trabaho ka pa daw sabi ni Itay" dinig kong sabi ni Predo. "Ano bang trabaho iyan ate? pag may pera kana pwede mo ba kaming bilhan ng laruan ate?" sabi naman ni Pina. Di ko siya pinansin sa halip nag-inat-inat ako.

Bumangon ako at nagtaka kung bakit nasa kuwarto ako, gayon kasama ko si Lex, nasa labas kami....at nakatulog ako?

"Anong oras na? Nasan si Lex? Bakit nandito— Sino nagdala sa'kin dito?" sunod na sunod na tanong ko.

"Si kuya Likshus nagdala sayo dito Ate, tulog ka e." inosenteng sabi ni Predo. "Alas otso na daw ng umaga ate" Napatango nalang ako tsaka tumayo. Pumasok ako sa banyo at nagsimulang maligo pero habang nagbubuhos ako, naalala ko 'yung narinig ko kila Itay at Inay at muli nanaman tumulo luha ko. Agad ko iyon pinunasan tsaka umiling at nagtuloy sa paliligo.

Nagayos agad ako, nagbihis at hindi na nilagay yung benda, nahahawakan ko naman na mahaba na yung buhok ko eh, kaya hindi ko na kailangan, tsaka yung sugat maliit nalang.

Nagdala ako ng bag pero maliit lang para do'n ilalagay yung Cellphone at extra kong damit. Pagkalabas ko ng bahay nakita ko si Itay na nagsisibak ng kahoy, agad niya akong nakita at ngumiti, pilit na ngumiti ako sa kaniya.

"Pasok na ako 'tay" sabi ko ng makalapit sa kaniya.

"Sige, 'nak ingat." iyon lang at naglakad na ako papuntang Licia Bar.

Mahigit isang oras akong naglakad hanggang makapunta sa Bar. Pumasok ako at agad na pumuntang 'Bound' para hanapin si Mamita, at sakto nando'n siya kasama nanaman ang mga lalaki niya.

"Mamita." agaw pansin na sabi ko sa kaniya dahilan para tignan niya ako.

"Oh! Antheia! 'di kana bumalik kahapon ah? napasarap ba?" galak na galak na sabi niya, napangiwi nalang ako.

"Ayun nga po Mamita, pasensiya na at di ako nakabalik kahapon may nangyari po—" pintuol niya yung sasabihin ko.

"Sainyo? May nangyari sainyo? nako! di mo na kailangan ibahagi dahil trabaho mo iyon. Mamaya nga e ibibigay ko agad bonus mo!" masayang sabi ni Mamita, napailing nalang ako dahil hindi masisira ko kung ano man ang iniisip niya. Kahit wala naman nangyari sa'min.

"Punta na po akong backstage" na sabi ko nalang at tumango siya tsaka kinupas yung kamay na sinasabing sige lang.

Pumunta na ako at ang hindi inaasahan, madaming babae na nakatingin sa akin, minsan babati pa, minsan ngingiti, pero hindi nanibago yung tingin nung dalawang babae kahapon. Nakita ko si Morgayne na nag aayos, lumapit ako sa kaniya tapos kinalabit ko siya.

Ng lumingon siya ngumiti ako "Antheia! Akala ko hindi kana babalik e!" sabi niya tapos yumakap sa akin.

"Kailangan ng pera e." pinilit ko iyong gawing biro at hindi nman ako nabigo.

"Kung hindi ka bumalik nako! mukhang ako nanaman sa pole at hindi ako makakabingwit ng mga boys!" sabi niya habang todo lagay ng kulay rosas na pulbura sa pisngi niya.

"Ako padin sa pole?" biglang tanong ko, inayos niya yung makeup kit tapos humarap siya sa akin, pinaupo niya ako, aayusan na siguro ako, nilagay ko sa isang bakanteng upuan yung bag ako, at yun nga ginawa niya, sinumulan na niyang kulutin yung mahaba kong buhok.

"Syempre naman! naka-reserve na 'yung mga gagawin nila, tsaka naman ikaw ayaw mo sa boys di ba? para kang may allergy e! haha!" sabi niya nakatingin lang ako sa kaniya sa salamin.

Behind The Real MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon