~CHAPTER 16~

123 20 3
                                    

CHAPTER SIXTEEN

Trixie PoV

'Di agad ako nakasagot sa tanong niya, tama ba yung narinig ko? Siya? manliligaw? Tae nantitrip to e!

"A-anong— Anong pinagsasabe ko diyan?!" sigaw ko sa kanya tapos sabay tawa.

"Ano nga?" seryosong sabi niya. Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil seryoso nga siya.

"H-ha? Ano, Hindi, H-hindi ko A-alam" sabi ko habang wala sa kanya yung paningin ko.

Ilang minutong katahimikan, walang nagsalita maski isa sa amin di ko alam kung nasaktan ba siya sa sinabe ko. Eh! sinasabe ko lang naman yung totoo!. Maya maya pa di ko na matiis na tignan siya dahil baka nga nasaktan siya, kaya lumingin ako sa kanya.

Tapos si tanga nagpipigil ng tawa. "Ba't ka tumatawa?!" inis na sigaw ko sa kanya

Tawa padin siya ng tawa tapos humahampas pa sa sandalan ng upuan. Tapos minsan humahawak pa sa tiyan niya. Ano bang problema neto?!

"H-hoy! bakit— bakit ka tumatawa?!" inis na sigaw ko ulit sa kanya.

"Kase naman! hahaha!" tawa padin siya ng tawa.

"Sige tapusin mo muna 'yang kakatawa mo!" sabi ko tsaka nagiwas ng tingin sa kanya dahil baka masapak ko lang to.

"Kase naman Trixie!" tapos huminga siya ng malalim para pigilan yung tawa niya. "Okay! okay! hahaha! kase naman! nagbibiro lang naman ako tapos ikaw hahaha! mukha kang ewan! realtalk! hahahaha!" sabin niya tapos tumawa ulit.

"Anong!— siraulo ka ah!" sigaw ko sa kanya. badtrip napahiya ako do'n ah.

"Napaka seryoso mo naman kase! hahaha! tapos yung mukha mo pa! hahaha!" tawa nanamn siya ng tawa. inirapan ko nalang siya dahil baka masampal ko to sa di oras.

"Badtrip ka ah!" singhal ko sa kanya.

"Bro, friend lang turing ko sayo, kaya wag kang mag-assume na liligawan kita! gago kadiri!" sigaw niya tapos tumawa ulit.

"Aba! ikaw pa nandiri! ano pa ako!? " tapos tinignan ko siya ng nandidiri.

"May payakap yakap kapang nalalaman" bulong ko.

"Syempre para makatotohanan" sabi niya tapos tinaas baba yung kilay niya. "Or pwede den soon, mangyari 'yun" seryosong sabi niya. Tinaas ko sa kanya yung gitnang daliri ko tapos nagulat siya hahaha!

"Loko! di na ako maniniwala sayo!" sigaw ko sa kanya.

"Akala ko ba mabait ka?!" nakangisingg sabi niya.

"Ayaw mo no'n sayo ko lang nilalabas yung siraulo kong side?" mas ngumisi ako.

"Dapat na ba akong kiligin?" nakakalokong sabi niya.

Inirapan ko nalang siya dahil sa kalokohan niya, pero sa totoo lang ang saya ko sa araw na to grabe.

Ilang minuto pa nang magdesisyon siyang umuwi na, dahil daw kailangan pa daw akong magpahinga, edi dapat di nalang pumunta dito, abnormal din e!

"Dito nalang" sabi ko ng nakarating sa tapat ng bahay namin.

"Pupunta ako dito bukas" sabi niya tapos tinulungan niya akong maka baba ng sasakyan niya.

"Ha? bakit? parte na ba yan ng panliligaw mo?" pangaasar ko sa kanya. ngumisi naman siya.

"Wag mong ugaliing magbitaw ng ganyang salita, dahil pag ako tinoyo, aakinginin kita" seryosong sabi niya ng nakatingin sa mata ko napalunok naman ako. "Charot!!" sabi niya tapos tumawa pinalo ko nalang siya sa braso niya.

Behind The Real MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon