~CHAPTER 21~

98 15 0
                                    

Hi! Micaella Garcia Tolentino! Thankyou for giving my stories a try! and thankyou to teached me how to earn watty coins! HAHAHA! loveloooots!❤

CHAPTER TWENTY ONE

Trixie PoV

Kinabukasan, gano'n lang din ang nangyari, nagha-habol ako sa mga ibang subject ko. Tutok ako sa paga-aral pero kasabay no'n ang madalas na pagte-text namin nung nagte-text sa 'kin. Masarap siya kausap, parang ang gaan ng loob ko sa kaniya. Sa kaniya din ako natuto ng magpuyat. Ewan ko ba parang matagal ko na siyang kilala.

Si Xian naman isang buwan din hindi pumasok, hindi na siya nagpakita simula ng nagtapat siya sa 'kin, ewan ko ba pero nireject ko siya tapos hinahanap ko siya ngayon, napaka gulo lang.

Ng mga naka raang araw, syempre nagpractice kami ng sayaw, halos pinasabay ko ang trabaho ko sa Licia Bar, pare-review, at pag sayaw, pero thank to god, nairaos ko 'to ng maayos at walang kulang, Nakakatulong padin ako kela Inay at Itay, minsan nakikita ko padin silang naga-away pero ayoko ng pakinggan dahil baka may malaman ulit ako.

Ngayon ay may meeting kami sa dance club dahil bukas na ang intramurals. Bale, mga sections muna dito sa school maglalaban, kung sino mananalo ay ilalaban sa interhigh kung saan iba't ibang school na ang nado'n. Ang meeting namin ay first subject hanggang sa mag uwian na, 'di ko alam kung bakit gano'n kahaba, para bang gano'n nalang ka-special 'yung gagawin naming pag sayaw, kung tutuusin ay opening number, guest, at closing number lang naman.

"Tara na?" sabi ko sa kanila, si Kindra nagpu-pulbos pa, si Jirah nag liliptint, tapos si Andrea naman nagbabasa ng libro.

"Una na kayo, may pupuntahan lang ako." nakangiting sabi ni Kindra habang todo ayos pa.

"Bakit?" si Jirah.

"Kakain muna kami ng breakfast ni Xian, ngayon lang kasi pumasok 'yon eh, don't worry sa labas lang naman kami kakain." sabi niya tsaka todo ayos, parang lumaki 'yung tenga ko nung narinig ko 'yung Xian, at ngayon lang siya pumasok? bakit?

"S-si Xian? sa'n daw siya nanggaling?" wala sa sariling nasambit ko. Naramdaman kong siniko ako ni Jirah kaya natauhan ako, kaya nabawi ko kaagad 'yung sarili ko nago binaba ni Kindra 'yung salamin.

"Bakit biglang naging interesado ka bigla gurl?" naka taas na kilay na sabi niya.

"H-ha? hindi naman eh, nagtatanong lang." nakayukong sabi ko, waah napahiya ako do'n! tumahimik ka kase Trixie!

"Hmm, okay then, una na ako." seryosong sabi niya, tapos nauna na siyang lumabas ng room dala gamit niya. Lumapit naman agad sa 'kin si Jirah.

"Masyado kang napagha-halata-an girl, umayos ka nga!" bulong sa 'kin ni Jirab habang tunatawa napanguso naman ako. "Masyado mo naman kasing nami-miss si Xian eh!" dagdag pa niya.

"Masamang mag-tanong?" nakangusong sabi ko.

"Hindi naman, kaso tanong mo halatang excited eh." Patuloy na pangaasar niya.

"Tss, bakit kasi 'di nalang siya pumasok nuh? tapos sasabihin mo pa gusto ako? sus." sabi ko tapos nakayuko, habang nakanguso.

"Malay mo may inisikaso lang, 'wag ka ngang nega." patuloy na bulong niya, sumimangot nalang ako atsaka tumingin sa labas ng bintana, ang tagal naman nilang mag-ayos, maga-ayos lang ng gamit eh katagal tagal.

"Let's go." sabi ni Andrea tsaka sinara 'yung libro niya, at bumaling sa 'min. Tumango naman kaming dalawa ni Jirah, pero bago pa ako maka punta sa harapan may pumatid na agad sa 'kin, deretso agad 'yung tuhod ko sa sahig at sumadsad pa ito.

Behind The Real MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon