Chapter 16

36.1K 1.4K 424
                                    

Court

“Woah, umi-improve ka na talaga ah!” Reid exaggeratedly said. Nakatakip ang kanyang kamay sa kanyang bibig na parang gulat na gulat.

Inirapan ko siya. Nakangisi naman si Charles na katabi ko habang si Reid ay nasa harapan namin.

“Ikaw ba talaga yan? Baka ibang tao ka na? Ilabas mo yung kaibigan kong duwag at hindi man lang makatingin kay Joey dati!” My eyebrows drew together. I immediately hit her arm with my balled fist.

“Ouch! Tangina.” Mura niya pa habang nakahawak sa kanyang braso na sinapak ko.

“Damn you! I’m serious here!” Nakasimangot kong saad. Humalakhak naman si Charles habang pinagmamasdan kaming dalawa. Reid just smirked pagkatapos makabawi mula sa sakit ng suntok ko.

“Oh sige, ano bang gusto mong gawin namin?” Charles asked. Umayos na ako ng tayo at ngumuso.

“Actually…” simula ko.

“What?” sabay naman nilang sabi. Naka-crossed arms si Charles habang si Reid naman ay nakangisi at nakataas ang mga kilay.

“I have no idea.” Kumamot ako sa kilay sa ginawang pag-amin. Sabay namang nalaglag ang kanilang mga panga. Parehas silang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.

“Are you serious?!” Reid yelled.

“What do I know in courting?!” I exclaimed. Yes, manliligaw ako. Kanino? Syempre kanino pa ba? Edi kay Joey.

Napagisip-isip ko na siguro ay dapat ko na siyang ligawan. Pag-uwi ko noon sa bahay galing sa alis namin sa VM four days ago ay naisip ko na siguro ay dapat ko na siyang tanungin.

But the problem is I really don’t know how to. It’s gonna be my first time. I don’t even know what to say or what to do. Should I just say it to her directly or I need to do some surprise and asked her? The first one, baka naman ma-overwhelmed siya kung bigla ko na lang tanungin at yung pangalawa naman, parang sobrang cheesy.

“You’re unbelievable!” Iling pa ni Reid. Napapailing na lang si Charles pero nakita ko ang pinipigilan niyang ngisi. These two, really! Mga gago talaga kahit kailan.

“That’s why you’re here two! I’m asking for your… I don’t know? Advice? What should I do? What should I say?” sunod sunod kong tanong. Ugh, hindi ko talaga alam kung paano.

“Ano ka ba naman! Kaibigan ba talaga kita?” ngiwi ni Reid. Aba’t siraulo talaga ‘tong isang ‘to. Hindi na lang mag suggest at kung anu-ano pa ang mga sinasabi.

“Sige nga. Paano manligaw?” Nawala naman ang ngisi niya sa tanong ko. Ngumuso siya at hindi sumagot. I knew it! Hindi naman talaga marunong manligaw ‘yang si Reid. I never saw her court someone or made effort for someone. Baka nga puro one night stand lang ang alam niyan.

I never saw her do something for someone, even for Chelsea! Or maybe hindi ko lang nakikita? I don’t even know kung niligawan ba niya si Chelsea o naging sila na lang bigla.

“Kita mo, hindi ka rin naman marunong!” Singhal ko at tiningnan siya ng matalim. Dapat talaga at hindi ko na siya sinama dito sa likod ng school at iniwan na lang sa room. Dapat si Charles na lang ang dinala ko rito dahil for sure ay may alam si Charles dahil niligawan niya naman si Selene.

“Bakit ba?! Eh sa sila na lang bigla ang lumalapit eh. Anong magagawa ko?” pagtanggol naman ni Reid sa kanyang sarili. Inilingan namin siya ni Charles at nginiwian.

“Ang sabihin mo, nagmamayabang ka lang.” Charles uttered with a mocking smirk plastered on his face.

Sumimangot naman si Reid at kulang na lang ay maging isang bibe dahil sa pagnguso niya. Lalo ko siyang nginiwian, tangina, akala niya ba ay cute siya? Ah, motherfucker.

When Will You Notice Me? (When Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon