Chapter 18

32.5K 1.2K 565
                                    

Kiss

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Nagpaluto siya? Bakit naman? Anong okasyon? Pinatong ko ang kanyang notebook sa desk niya. Sinulyapan niya lang ito at binalik ang mga mata sa akin.

“Bakit? Anong meron?” inosente kong tanong at tiningnan siya.

Napairap naman siya agad pero agad ding sumilay ang ngiti. Lihim naman akong napasinghap dahil sa sobrang ganda ng ngiti niya at sobrang ganda niya mismo.

“Wala naman. I just want to eat with you, bawal ba yun?” she raised her eyebrows.

So that means… sinadya niya talagang magpaluto para lang sabay kaming kumain ngayon? Damn. Sobra naman yata yan, Joey. Hulog na nga ko, lalo mo pa kong pinapahulog.

Lumunok ako ng ilang beses pagkatapos ay kumamot sa aking batok. Bahagya akong yumuko dahil nararamdaman ko ang pagsisimula ng pamumula ko. Shit.

“Why are you getting red? Are you sick?” nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. I felt her stand up and went closer to me. Hinawakan niya ang aking baba para tingnan ang aking mukha. Nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata.

I slightly flinched at the touch.

“No, this is just nothing, Joey.” Iwas ko ng aking mukha. I scratched my eyebrow to slightly hide my face. Alam kong kita pa rin ang pamumula ko, pero at least diba? At least natakpan man lang kahit papaano.

Sana lang ay huwag niyang ma-realize kung ano talaga ang dahilan kung bakit ako namumula ngayon.

But I think fate is not with me today.

“Really, huh?” narinig ko ang panunuya sa kanyang boses. Palihim akong sumulyap sa kanya pero agad ulit napaiwas dahil nahuli niya akong nakatingin sa kanya.

She’s smirking mischievously right now while raising her right brow. Ganyan lagi ang kanyang hitsura tuwing inaasar niya ako dahil sa kung ano mang katangahang nagawa ko tulad ngayon.

Bakit ba kasi ang bilis ko kiligin pagdating sa kanya?!

“You’re blushing, aren’t you?” she sweetly chuckles. Kahit na nahihiya ako ngayon ay hindi ko pa rin maiwasang hindi mapasinghap at mabaliw sa kanyang pagtawa. Parang kanta yung tawa niya, ang sarap lang pakinggan.

“No.” tanggi ko naman agad.

Pero sino ba namang tanga ang maniniwala sa akin sa hitsura ko ngayon?

“You’re blushing, Iryl.” She uttered with a matter of fact tone.

“No, I’m not.” tanggi ko ulit.

I tried to look at her with braveness in my eyes but I ended up averting my eyes to something else again. Her eyes are really something. Whenever I would look at her eyes, parang lagi akong malulunod. Parang lagi akong malulusaw. Parang lagi akong mahuhulog.

“Yes you are, Iryl.”

Lumapit siya lalo sa akin kaya agad naman akong napaatras. Kailan pa ako naging duwag?!

She tilted her head and chuckled again. May pagtataka sa mga mata niya, siguro ay dahil sa pag-atras ko, pero mas nangingibaw ang pagka-amused.

“Hindi kaya.” kinunot ko ang aking noo at nagtiim ng bagang bago tumingin ulit sa kanya.

“Okay.” she said and shrugged. Akala ko ay tapos na pero napaatras lang ulit ako ng lumapit ulit siya. Shit, what is she doing?

She smirked and bit her lower lip. Napalunok ako at sinundan ng tingin ang pagkagat niya sa kanyang ibabang labi. Naramdaman ko ulit ang pag-init ng aking batok, paakyat sa aking tainga, papunta sa aking mga pisngi.

When Will You Notice Me? (When Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon