Chapter 50

62.7K 1.4K 1.1K
                                    

This is the final chapter of 'When Will You Notice Me?'. Thank you for witnessing the whole process of Praize's point of view. Next is the Epilogue.

Forever

After we ate the Carbonara, pumunta na kami ni Joey sa living room. Pero bago 'yon ay pumasok muna si Joey sa kwarto ko para kuhanin ang cellphone niya.

Sumunod ako para kuhain na rin ang akin, para makausap ko na rin sila Charles sa kung anong nangyayari ngayon doon sa site.

Umupo ulit kami ni Joey sa sofa. Hawak niya ang kanyang phone at may niche-check doon, siguro ay tungkol din sa office since parehas kaming hindi pumasok ngayon.

Ako naman ay ka-chat lang sila Charles. Nasa group chat kami ngayon at halos lahat yata sila ay online maliban kay Engineer Carson.

Ako:
Okay lang ba diyan sa site ngayon? Walang problema?

Agad naman silang nag-reply. Ang mga nickname namin sa isa't isa ay mga formal lang like Engineer Laxon or Architect Guzman. Pero kung personal chats naman ay mga pangalan na lang namin. Well, si Charles lang naman ang nakaka-chat ko dahil sa work lang naman kami minsan nagkakausap nung iba pang Engineers - or kung merong parties or something.

Architect Guzman:
Yes, Engineer, ayos na ayos! Sana ikaw din ayos.

Pagkatapos ay nag send pa si Charles nang isang naka wink na emoji kaya napakunot ako ng noo at napailing. Alam ko ang takbo ng isip niya, siguradong kami ni Joey ang tinutukoy niya dahil sa nangyari kahapon sa site.

Engineer Amaron:
Ayos lang, Engineer Laxon.

Hindi ko na pinansin si Charles. Mas matino pang kausap si Engineer Amaron sa kanya. Habang si Engineer Salviejo ay nag-seen lang. Siguro ay may ginagawa doon, lagi kasi siyang online at masigla sa mga chats namin dito sa GC namin sa WhatsApp. Nakakapagtaka na nagsi-seen lang siya ngayon.

Ako:
Good. Pupunta ako diyan bukas. Balitaan niyo na lang ako kapag may naging problema.

Architect Guzman:
Okay lang kami dito, Engineer. Take your time lang.

At nag send na naman siya ng wink emoji. Seriously? Group chat namin to 'tas gumaganyan siya? Gusto ng issue ng gago.

Hindi ko na naman pinansin si Charles. Ibababa ko na sana ang phone para makapag-focus sa pinapanood sa TV at syempre, sa katabi ko na busy din sa kanyang phone nang biglang mag pop up ang chat head.

My forehead knitted when I saw that it's from Engineer Alfheya. Oh, kahit makulit siya at madikit ay ito ang unang chat niya sa akin simula noong maging magka-chat kami sa WhatsApp.

Aflheya Salviejo:
Engineer Iryl, can I ask you something?

Lalo pang kumunot ang noo ko. Ano naman? Personal ba? Bakit hindi na lang sa group chat tutal nandoon na naman din kami naguusap-usap kanina.

Ako:
What is it?

I saw her typing because of the three dots. Ngumuso ako habang naghihintay. Tumingin ako sa TV at nanood na lang muna. Maya-maya ay nag-reply na si Engineer Alfheya.

Alfheya Salviejo:
Uhm... I just want to ask if you and Ma'am Krayjel are... together?

Napataas ako ng kilay sa tanong niya. Why is she asking? Bakit naman niya kailangan malaman 'yon? Hay nako, baka lumikot na naman siguro ang bibig ni Charles at kung anu-ano na namang sinabi na. Tss.

"Who was that?" Halos mapakislot ako nang magsalita si Joey sa tabi ko. Shit. Lumingon ako sa kanya at nakita ko siyang nakababa na ang phone sa lap at nakakunot na ang tingin sa akin.

When Will You Notice Me? (When Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon