Chapter 19

30.1K 1.1K 596
                                    

Didn't

Nakatingin lang ako sa sahig ng room buong maghapon. Iniisip ko lang si Joey at yung ekspresyon niya kanina bago ako tuluyang lumabas.

Marahan akong sumubsob sa desk at sinabunot ang aking buhok gamit ang aking dalawang kamay. Gusto kong sumigaw ngayon dahil sa frustration pero hindi ko magawa dahil nagdi-discuss ang prof namin ngayon sa harap.

Mali ba talagang sinabi ko pa yun? Dapat ba ay sinarili ko na lang at hindi na nagsalita dahil nagustuhan ko rin naman ang nangyari? Pero mali naman talaga na hinalikan ko siya kahit hindi niya pa ako sinasagot.

Ah, you really fucked up big time, Praize!

Kinagat ko ng mariin ang aking labi. Masakit pero wala na akong pakealam. Naramdaman ko ang pagsiko sa akin ni Charles na aking katabi.

Kumunot naman ang noo at nakasubsob pa rin na lumingon, “What?” pabulong pero iritado kong tanong.

Charles glares at me and jerked his head to the front.

Lalo lang kumunot ang noo ko. Ano bang sinasabi niya?

Gusto ko mang tingnan pero masyado akong nanghihina ngayon para gumalaw pa. Ewan ko ba, maisip lang ang hitsura ni Joey na malamig ang mga tingin sa akin ay sapat na para panghinaan ako.

“Ano ba yun?” pabulong pa rin na anas ko.

Pinandilatan na niya ako at tumingin ulit sa harapan na parang may itinuturo gamit ang kanyang mga mata. Kahit si Reid ay palihim na rin na ngumunguso sa harap. What the heck are they trying to say?

Umirap na lang ako at pinatong ulit ang noo sa aking mga braso. Hindi naman siguro ako mahahalata ng prof namin ngayon na ganito ang posisyon ko ngayon diba?

“Miss Laxon,” dumagundong ang malalim at malaking boses ni Sir Rolandth sa buong classroom. Bakit? Tinatawag ba niya ako?

Napadilat ako mula sa pagkakapikit pero hindi pa rin lumingon. Did he really call me or I’m just imagining things?

“Miss Laxon.” mas naging seryoso ang tono ng boses ni Sir Rolandth ngayon.

Shit. Napaestatwa ako nang mapagtantong tinatawag niya talaga ang apelyido ko. Nakita niya ba ako? Fuck. Akala ko ay hindi niya mahahalata! Nakalimutan kong mapagmatyag nga pala siya at iniikot lagi ang mga mata sa room para tingnan kung nakikinig ba ang lahat.

Ah, you fucked up once again, Praize!

Napatiim ako ng bagang. Dahan dahan akong tumayo mula sa kinauupuan. Tumingin ako kay Sir Rolandth at naabutan siyang matalim ang tingin sa akin.

At ngayon ko lang napansin na ang tahimik pala ng buong klase. Wala man lang nagsasalita at lahat sila ay tinititigan ako ngayon. Pwede ba huwag na lang sila tumingin?

“Miss Laxon, you’re sleeping on my class.” Sir Rolandth stated. I bit my lip. Hindi naman ako natutulog! Nakasubsob lang dahil tingin ko ay wala rin naman akong matututunan ngayon dahil puro Joey lang ang nasa utak ko ngayon.

Gusto kong sabihin yun pero wala rin namang mangyayari dahil parang natulog na din naman ako dahil hindi ako nakikinig at nakasubsob lang ang mukha sa desk.

“This is the first time.” mas naging nakakapangilabot ang boses ni Sir. Pero hindi ko alam kung bakit si Joey ang pumasok sa isip ko ngayon.

Mas nakakatakot pa din ang boses ni Joey. Mas nakakangatog pa din at siguradong kung siya ito ay baka pinagpapawisan na ako ngayon dito sa kinatatayuan ko.

But fuck, bakit si Joey pa din ba ang iniisip ko hanggang ngayon? Hanggang ngayon ba naman na pinapagalitan at nahuli na ako ay siya pa rin?

“Ano, hindi ka man lang ba magpapaliwanag, Miss Laxon?” Sir Rolandth raised her eyebrows on me. Hindi pa rin gumagalaw man lang ang mga kaklase ko. Marahil ay natatakot sa prof namin ngayon sa harap. Nakakatakot naman talaga kasi.

When Will You Notice Me? (When Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon