Chapter 25

33.3K 1.1K 368
                                    

Mad

Natahimik ang buong table namin sa sinabi ni Joey. Napalunok ako at tiningnan siya. Hindi ako makapaniwalang sinabi niya na yun sa harapan nila.

Narinig ko ang singhapan nila dahil sa gulat. I watched their reactions. Pawang nakanganga silang lahat at nanlalaki ang mga mata. Well, hindi ko naman sila masisisi, kahit ako rin naman ay nagulat. Hindi ko inaasahang sasabihin na ni Joey yun ngayon.

Akala ko ay sasabihin namin ng kaming dalawa at paghahandain man lang namin sila. Pero sinabi na ni Joey kaya wala na akong magagawa. Pero hindi lang ito sinabi ni Joey, sinabi niya ito na parang wala lang at napaka-normal lang ng sinabi niya!

“K-kayo na, Joey?” I heard Karl spoke. Bakas na bakas pa rin ang gulat sa mga mata niya. Napatiim ako ng bagang at parang gustong ako na lang ang sumagot. Oo, bakit, pakialam mo ba?

But I can’t do that, nakakabastos yun masyado and hindi naman ako ang tinanong niya kundi si Joey.

Joey grinned and nodded like it really was nothing, “Yeah. Why?”

I saw how pain flashed on Karl’s eyes. Umiwas na lang ako ng tingin. I know he likes Joey. Obvious naman. Pero sorry na lang siya, akin si Joey.

Nagkibit balikat si Joey at nagpatuloy na sa pagkain. Wala talaga siyang pakialam kahit kanino ‘no? Wala siyang pakialam sa mga nararamdaman ng ibang tao. Ni hindi niya yata alam na may gusto sa kanya si Karl.

I don’t know if I should be happy by that or I should feel bad.

“Bakit parang ang bilis naman?” Karl asked again. I clenched my jaw and didn’t answer again. Anong isasagot ko? Ayoko mang aminin pero totoo naman ang sinabi niya.

Mabilis naman talaga ang naging relasyon namin ni Joey. Ilang araw pa lang akong nanliligaw at eto na kami agad ngayon, kami na. Ni hindi ko pa nga masabi kung nanligaw ba talaga ako dahil nag-away lang naman kami noong mga panahong ‘yon.

We’re fast, yes. Pero hindi naman ibig-sabihin ay mabilis din kaming magtatapos. Hindi kami katulad ng ibang magkakarelasyon na minadali lahat kaya mabilis din na nagwakas. Hindi kami ganun. I’ll make sure of that.

I saw how Joey’s brows furrowed. Nagtiim ang kanyang bagang at sumulyap kay Karl. Mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi nang huli.

“Just shut up, Karl. I don’t care about your opinion.” Joey harshly said and continue eating. Napanganga naman ako sa sinabi niya.

“Joey!” Kraij’s voice roared. Nakakunot na ang noo niya. Tahimik lang siya kanina pero mukhang nainis na siya sa nangyayari kaya nagsalita na. Joey just look at Kraij and rolled her eyes.

Sumulyap ako kay Karl na mukhang hindi makapaniwala sa sinabi ni Joey. Gumuhit ang pagkapahiya sa kanyang mukha. Nagi-igting ang kanyang panga at halatang mariin ang hawak sa kanyang kutsara’t tinidor.

“Joey, mag-sorry ka kay Karl.” Rinig kong sabi ni Reese na ikinatango naman ni Yran. Tumingin naman ng masama sa kanila si Karl na parang pinipigilan sila. Pero hindi sila pinansin ni Joey.

Tumingin naman sila sa akin na parang humihingi ng tulong. They’re jerking their head towards Joey. Napakunot naman ang noo ko. Bakit ako na naman?

Sa huli ay napabuga na lang ako ng hangin. Okay. Eto na. Mali rin naman talaga si Joey. Dapat ay hindi niya na lang sinabi yon or at least she should’ve said that in more… kind way?

Nilapit ko naman ang aking mukha at bumulong kay Joey, “Baby… you don’t have to say that.”

Joey glanced at me and rolled her chocolate eyes. Napakunot naman ang noo ko at bumulong ulit sa kanya.

When Will You Notice Me? (When Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon