Chapter 23

34.7K 1.1K 233
                                    

Hickey

My face contorted when I stared at myself in the mirror. Tumingin ako sa kaliwang banda para tingnan sa salamin ang hickeys na nilagay ni Joey noong Sabado.

“Ah, paano ‘to?” lalo akong napasimangot. Naging halos kulay ube na ang mga ito. Kahapon ay sobrang pula pa naman nito. Hindi na nga muna ako pumasok sa trabaho kahapon dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko para mawala ang mga ito.

Dalawang araw na ang nakakalipas na pero hindi pa rin nawawala at natatanggal. Ganito ba talaga ang mga hickey? Matagal mawala?

“Fuck, fuck…” mahina at asar kong mura. Si Joey naman kasi eh! Siya na nga naglagay pero ako ang nahihirapan! Paano ako papasok nito ngayon? Hindi naman pwedeng mag scarf ako buong araw dahil siguradong ipapatanggal ito ng mga prof.

Damn, they can’t see these on me!

Lumabas ako sa aking maliit na banyo at bigong umupo sa aking kama. Naalala ko na naman tuloy ang naging halikan namin dito ni Joey noong isang araw. Okay na sana kung hindi niya na ako nilagyan nito. Dapat pinigilan ko na talaga siya sa paglagay, hindi ko naman kasi alam na matagal pala ‘tong mawala!

Naalala ko ang mga ngising tagumpay ni Joey kapag sinusulyapan niya ang aking leeg at panga noong araw na yun. Bahagya lang akong sumisimangot dahil halatang nang-aasar siya. Naisahan ako.

Hindi kami nagkita kahapon dahil may lakad siya kasama ng kanyang pamilya samantalang ako ay nandito lang buong araw sa apartment. Hindi naman porket kami na ay lagi na lang kaming magkikita!

Fuck. Hindi ko naiwasang mapangiti sa kaisipang kami na talaga.

Noong gabi na rin yun ay tinanong ko si Joey through call kung anong pwedeng gawin para matanggal ang lintik na mga hickeys na ‘to. But she just freaking laugh at me and did not answered my question. Ilang beses ko pang tinanong yun sa kanya kahit noong nagcha-chat na lang kami pero nago-open lang siya ng ibang topic para mawala ang usapan.

At syempre dahil tanga ako at hindi ko alam na yun pala ang intention niya sa pagiiba ng topic, ay hindi ko namalayang nagpadala lang pala ako sa bitag niyang ibahin ang usapan.

Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ito. Ngayon ko lang ito binuksan dahil ang hickey ko agad ang pinagtuunan ko ng pansin kanina. Alas siyete pa lang naman ng umaga.

Usually ay mga alas otso ako nagigising pero dahil gustong gusto ko talagang tingnan ang mga hickey ko para i-check kung nawala na ay maaga akong nagising.

My eyes slightly widened when I saw that Joey has a text. I immediately opened my phone para makareply.

Joey:
Goodmorning, baby.

Napataas ang kilay ko nang makitang na-sent ito kanina pang six AM. Mas maaga pa siyang nagising sa akin?

Ako:
Goodmorning too, baby.

Gusto ko sanang tanungin ulit kung anong pwedeng ipangtakip man lang dito sa mga hickey nang hindi gumagamit ng scarf o ano pero baka hindi na naman niya ako sagutin. Imagine that? Gusto niya talagang maraming makakita sa akin na may mga hickey!

Ilang minuto na ay wala pa rin siyang reply. Oh well, baka may ginagawa.

Pumunta muna ako sa Google para mag search. Nag search ako about sa mga hickeys at kung paano ito matanggal. Ni-click ko ang pinakaunang site na nakita ko. Agad akong nag scroll dahil gusto ko nang malaman kung anong pwedeng gawin.

Napanganga ako nang may makitang hindi ko gusto. What the fuck? It says here na one to two weeks ang mga ito bago tuluyang matanggal depende kung gaano ka-harsh ang pag suck sa parteng ‘yon.

When Will You Notice Me? (When Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon