CHAPTER 20

1.8K 89 0
                                    

Maxine's POV.

"Ingat ka Kurt ah?" sabi ko kay Kurt sabay tapik sa likod n'ya.

"Sige, alaagan mo si Damon ah? Magiingat ka rin mamaya pagka-uwi mo bye!" kinawayan n'ya pa'ko bago pumasok ng kotse.

Hinintay ko pa s'yang makalayo hanggang sa 'di ko na s'ya makita kaya pumasok na'ko. Nasa sofa lang si Damon dahil ayaw n'ya sa kwarto n'ya para 'di na s'ya mahirapan.

"May gusto ka bang kainin Damon?" tanong ko sa kanya.

"I want soup." sagot n'ya.

"Ipagluluto kita gusto mo?" sunod kong tanong at tumango na lang s'ya. "May mga ingredients ba d'on sa ref mo?" tanong ko pa ulit.

"Yeah." tanging sagot n'ya lang.

"D'yan ka lang magluluto lang ako." ginulo ko muna ang buhok n'ya tsaka tumayo na.

Pumunta na'kong kusina. Binuksan ko ang ref n'ya. Ang daming laman. Kinuha ko ang mga gulay na kakailanganin at pagkatapos ay nilapag ko na sa lamesa. Kinuha ko ang kutsilyo na nakasabit para maghiwa.

Medyo natagalan ako sa paghihiwa. Nang matapos ay nagsimula na'kong magluto.

-------------------------------|

Matapos lang ang ilang minuto ay natapos na'ko magluto. Nilagay ko na ang sopas sa isang bowl pagkatapos ay bumalik na'ko kay Damon. Mukhang tulog na ang loko. Binaba ko muna ang soup.

Umupo ako sa sahig. Namumutla si Damon siguro ay binat na binat 'tong isang 'to nakipagsuntukan pa kasi. Pero ang gwapo n'ya pa rin. Ang gwapo pa rin n'ya kahit natutulog. Naalala ko pa yung mga sinabi n'ya kanina.

Hays. Pero yung mga sinabi ni Tayler yung nangingibabaw sa utak ko ngayon. Iniisip ko pa rin kung bakit ako masyado na apektuhan d'on sa sinabi n'ya. Bakit ang lakas ng impact n'ya sa'kin?

"Wag mo'kong titigan, tabihan moko."nahimasmasan ako ng magsalita si Damon.

" Ito n-na yung soup mo kainin mo na."kinuha ko ang soup na nasa lamesa."Kaya mo bang umupo?"tanong ko."Ito na soup mo oh kainin mo na baka lumamig 'yan, kukunin ko lang yung gamot mo."binigay ko sa kanya yung soup pagkatapos ay tumayo ako para kunin yung gamot n'ya.

Kinuha ko sa taas ng ref ang gamot n'ya at kumuha na rin ako ng isang basong tubig pagkatapos ay agad akong bumalik kay Damon.

"Pagkatapos mo d'yan inumin mo na 'tong gamot mo tsaka matulog kana." bilin ko sa kanya.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ