CHAPTER 135

928 34 6
                                    

Tayler's POV.

Nandito pa rin ako sa bahay nina Maxine. Wala pa rin si Alexander hanggang ngayon. Nakahiga na kami ni Maxine. Tapos na kami sa ginagawa namin. Nakaunan ang ulo ni Maxine sa braso ko habang ang kamay n'ya ay nakapatong sa dibdib ko. Hanggang ngayon ay wala pa rin kaming suot na damit. Nakamumot lang kami. Wag kayong magaalala, hindi pa naman sinusuko ni Maxine ang bataan n'ya.

"Ito na ba yung regalo mo sa 'kin?"tanong ko kay Maxine. Tumango na lang s'ya bilang sagot. Medyo natawa ako."Nakalimutan mo ba?"

"Yung birthday mo hindi, pero yung regalo oo."sagot n'ya naman."Nakalimutan ko kasing bumili kanina eh. Na-excite kasi ako kaya 'yon nakalimutan ko hehehe."sabi n'ya.

"Hayaan mo na. Ayos na sa 'kin 'to. Nag-enjoy naman ako."sabi ko naman.

"Eh bakit—–."napatigil s'ya sa sinasabi n'ya.

"Gagawin ko lang 'yon kapag kinasal na tayo."'yan ang sinabi ko kaya napatigil si Maxine sa sinasabi n'ya.

"Bakit ba ang advance mong mag-isip?"takang tanong ni Maxine.

"Hindi ako advance mag-isip. Sadyang gan'on na nga ang mangyayari sa future natin."-ako

"Maliligo lang ako. Magbihis kana baka dumating pa si kuya."pagpapaalam sa 'kin ni Maxine. Bumangon na s'ya sa pagkakahiga.

Hinatak ko si Maxine."Sasama na 'ko. Ang lagkit ko na."sabi ko sa kanya.

Lumingon s'ya sa 'kin."Iisa ka na naman. Na 'ko tama na yung ngayon. Maghintay ka muna na ikasal tayo."-Maxine.

"Kung bukas na kaya tayo ikasal."-ako.

Bigla n'ya akong hinampas sa braso."Tama na maliligo na 'ko."-Maxine. Kinuha n'ya yung tuwalya n'ya sa may pinto ng aparador at binalot n'ya 'yon sa katawa n'ya."D'yan ka lang. Magbihis kana ah."pagkatapos n'yang sabihin 'yon ay lumabas na s'ya ng kwarto.

Pagkalabas ni Maxine ay agad na 'kong nagbihis. Matapos kong magbihis ay inayos ko ang kama n'ya. Nang maayos ko na ang kama n'ya ay umupo ulit ako sa kama ni Maxine. May biglang pumukaw sa mga mata ko. Tumayo ako para kuhain 'yon. Nang makuha ko 'yon ay bumalik ulit ako sa kama para umupo. Ang hawak-hawak ko ay isang picture frame. Tatlo yung nakita ko pero ito talaga yung pumukaw sa atensyon ko.

Sigurado akong si Maxine 'to at ang kanyang ama. Mas kamukha pala n'ya ang papa n'ya. At sa tingin ko pa ay sobrang close nila sa isa't-isa."Sana lang talaga may ama akong katulad ng kay Maxine."sabi ko habang nakatitig sa litrato nina Maxine."Wala pa pala kaming picture ni Maxine na kaming dalawa lang."sabi ko pa. Biglang nag-ring ang phone ko."[Oh?]"sabi ko sa tumawag.

"[Mr. Ty nalaman na namin kung saang bansa nagta-trabaho ang ina ni Maxine.]"-Justine.

"[Saan?]"-ako.

"[Kuwait. May sinabi ba si Maxine sayo na may boyfriend yung mama n'ya?]"-Justine.

Nagtaka ako sa sinabi n'yang 'yon."[Wala, bakit?]"-ako.

"[Base pa sa nalaman ko. May boyfriend ang ina ni Maxine doon. Hindi ko pa nakikita at hindi ko din alam kung ilang taon na yung lalaki pero susubukan ko pang alamin. Susubukan din namin na ma-contact yung mama ni Maxine para magkaalaman na.]"-Justine.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon