CHAPTER 104

903 29 0
                                    

Maxine's POV.

Bigla akong nagising dahil nilalamig ako. Pagkahawak ko sa noo ko ah may bimpong basa. Hinawakan ko ang leeg ko, mainit nga ko. Tumayo ako at pinatay ko ang electric fan. Bumalik ako sa higaan. Kinuha ko ang phone ko at tinignan kung anong oras na, 3:30 AM palang ng madaling-araw.

Pinikit ko na ulit ang mga mata. Sinubukan ko ulit matulog pero ayaw na. Kahit anong gawin kong posisyon ng paghiga ay hindi talaga ako makatulog, punyeta -_- Tumitig lang ako sa kisame. Inayos ko yung bimpo sa noo ko. Si kuya siguro ang naglagay nito habang tulog ako. Kahit pinatay ko na yung electric fan nilalamig pa rin ako.

Medyo makapal na yung kumot ko pero nilalamig pa rin ako. Nakasara naman yung bintana. Hay, ngayon na lang ulit ako nagkasakit. Wala naman akong ginawang kahit ano para magkasakit ako. Maingat pa nga ako eh. Bwisit naman edi ilang araw akong hindi papasok? Potek-_- Pinikit ko na lang ulit yung mga mata ko.

Naramdaman kong may humahalik sa labi ko kaya dinilat ko ang mga mata ko."T-tayler?"sabi ko habang nagkakamot ng mata.

"Bakit?"tanong n'ya.

Nakahiga s'ya sa tabi ko."B-bakit nandito ka? Nasa'n si kuya? Anong oras na? Papasok ka ba?"mga tanong ko.

Natawa s'ya."Kaya ako nandito para alagaan ka. Yung kuya mo umalis na. 8:50 AM na ng umaga. Hindi ako pumasok dahil gusto kitang samahan dito."mga sagot n'ya d'on sa mga tanong ko.

"Baliw ka dapat pumasok ka."sabi ko habang nakatingin sa kanya.

"Ayoko mas gusto kitang samahan."sabi n'ya.

"Bakit mo'ko hinahalikan kanina?"tanong ko."May sakit ako tapos hinahalikan mo'ko loko ka, tumatabi ka pa sa'kin gusto mong mahawa?"sabi ko naman.

Bumangon s'ya ng konti at nilapit n'ya ang mukha n'ya sa mukha ko."Gusto ko."sabi n'ya.

"Loko ka talaga. Wala ka talagang pinapalampas 'no?"pagkatapos kong sabihin 'yon ay ako na ang humalik sa kanya. Naramdaman ko pumasok ang kamay n'ya sa loob ng damit ko kaya agad ko 'yon na inalis."Kapag kiss lang, kiss lang ha?"medyo natatawang sabi ko tapos hinalikan ko ulit s'ya. Makalipas ang ilang minuto ay ako na ang kumalas."Ops tama na may sakit ako diba?"

"Wala akong pakealam."sabi n'ya.

Hahalikan n'ya sana ulit ako pero agad ko s'yang pinigilan."Paghumalik ka pa last mo na lang 'yon."sabi ko naman.

Humiga na ulit s'ya sa tabi ko at tumagilid s'ya ng higa."Nagugutom kaba?"tanong n'ya.

"Hindi pa naman pero gusto ko ng kape."sagot ko.

Tumayo s'ya."Dito ka lang paghahanda kita ng kape."pagkatapos n'yang sabihin 'yon ay lumabas na s'ya ng kwarto ko.

"Ngayon pa talaga ako nagkasakit hay..."sabi ko sa sarili ko.

Ilang minuto ang nakalipas ay nakabalik na si Tayler at may dala-dala s'yang kape. Umupo s'ya sa gilid ng kama ko."Inumin mo na 'to."sabi n'ya.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon