CHAPTER 23

1.7K 82 0
                                    

Tayler's POV

Matapos kong ihatid si Maxine sa kanila ay bumalik na'ko sa bahay. Nang mapasok ko ang kotse ko ay pumasok naman ako sa loob ng bahay. Dumeretso na'ko sa kwarto. Pagkatapos ay agad kong binagsak ang katawan ko sa kama. May bigla naman akong naramdaman sa uluhan ko na 'di ko alam. Nang kapain ko ay isang hikaw.

Nang pagmasdan ko ay naalala ko kaagad kung kanino 'to. Kay Maxine 'to. S'ya lang naman ulit yung dinala ko ditong babae at s'ya lang yung huling humiga dito. Kinuha ko ang wallet ko sa bulsa at nilagay ko d'on ang hikaw.

Naamoy ko pa rin yung pabango ni Maxine hanggang ngayon. Napansin ko kanina na malungkot ang mukha n'ya pagbaba n'ya ng sasakyan siguro ay nagalit 'yon sa'kin dahil hindi ko na s'ya kinausap n'ong magpasalamat s'ya.

Bakit ba s'ya na naman yung iniisip ko? Fuck... please just one day ayoko muna s'yang isipin please! Pero kahit anong gawin ko 'di ko s'ya kayang tanggalin sa utak ko.

Bigla naman akong natawa dahil naalala ko yung sinabi n'ya. Wag daw ako umiyak dahil hindi bagay sa'kin? Tumigil na daw ako sa pag-iyak dahil hindi na'ko magiging gwapo? Baliw talaga yung babaeng 'yon. Gusto ko talagang matawa n'ong sabihin n'ya 'yon kanina kaso nagpigil ako. Ayokong nakikita ng iba yung clingy side ko baka mapagkamalan pa nila akong baliw.

Iba ako sa school at dito sa bahay. Kapag sa school ay isa akong gangster na walang pakealam sa paligid at tahimik tapos kapag dito naman sa bahay para naman akong ewan. Wala pang nakakakita ng clingy side ko kahit si Zerene ay hindi.

Kanina ay nanaginip ako, tungkol kay daddy ay mommy. Nakita ko d'on sa panaginip ko, patay na rin si daddy. Iyak ako ng iyak n'on hanggang sa pag gising ko. Ayokong manyari 'yon. Nawala na sa'min si mommy, ayoko pang kunin si daddy sa'kin. Si daddy na lang ang natitira sa'kin ayoko na pati s'ya ay kunin.

Kapag nagkataon ay ang mga ari-arian ni daddy ay ipapangalan sa'kin at ako na ang hahawak ng kumpanya. Kaya ko naman ng humawak pero ayoko pa. Gusto ko pang i-enjoy yung highschool life ko.

Kinuha ko ang litrato namin ni mommy sa lamesa na nasa gilid lang ng higaan ko. Litrato namin nina mommy at daddy 'to n'ong nand'on kami sa pampanga. Ang saya namin n'on. Kapag umiiyak nga ko n'on kay mommy ako tumatakbo.

"Mommy i miss you..." sabi ko habang hawak yung litrato namin nina mommy."Guide me mom. I love you. "sabi ko pagkatapos ay hinalikan ko yung litrato.

Nabigla ako ng mag-ring ang phone ko. Tumatawag si Justine kaya agad ko 'yon sinagot.

" [What's up.] "sabi ko.

" [Dre wag kang mabibigla sa sasabihin ko ah?] "bigla akong nakaramdam ng kaba sa sinabi ni Justine." [Personal ko na nga lang sasabihin 'to. Magkita tayo sa café malapit d'yan sa inyo.] "

" [Copy.] "pagkasabi ko n'on ay in-ned ko na ang call.

Nakaramdam ako ng kaba. Ano kayang sasabihin ni Justine? Nae-excite ako na kinakabahan. Tumayo na'ko. Naghanap ako ng maisusuot.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Where stories live. Discover now