CHAPTER 113

882 48 1
                                    

Maxine's POV.

Kakatapos lang ngayon ng practice namin sa cheer leading kaya naman tumakbo ako papalapit kay Tayler, nasa kanya kasi lahat ng gamit ko. Nakita kong may hawak s'yang bottled water at towel. Kanina nung pumasok sila nila Justine ay wala naman akong napansin na kakaiba pero yung atmosphere hindi.

May kakaiba kasi akong naramdan kanina at alam kong kay Tayler 'yon. Hindi hilig ni Tayler na maglabas ng kahit anong ekspresyon sa mukha n'ya, pinapanatili n'ya lang 'yon sa loob n'ya. Nalaman ko na ang mga ito dahil halata ko na sa kanya. Hindi madaling alam yung mga kinikilos ni Tayler.

"Uminom ka muna."sabi n'ya tapos ay binigay n'ya na sa'kin yung tubig na hawak n'ya.

Agad ko naman yun na kinuha pagkatapos ay uminom na'ko. Pagkatapos ay binalik ko sa kanya. Kinuha ko naman yung towel na nasa hita n'ya tapos ay nagpunas na."Ayos ka lang ba?"tanong ko sa kanya pero sinabi ko 'yon sa tonong hindi ako nag-aalala.

"Ayos lang naman ako."agad n'ya kong sinagot. Bigla n'yang kinuha sa'kin ang towel na hawak ko tapos ay s'ya ang nagpunas sa'kin."Nagugutom ka ba?"siya naman ang nagtanong.

"Oo."sagot ko naman."Pero sa bahay na lang ako kakain. Pinagluto kasi ako ni kuya eh."sabi ko."Gusto mo saluhan mo'ko?"aya ko sa kanya.

"No thanks."pagtanggi n'ya."Kailangan ko din umuwi na pagkahatid ko sayo."sabi pa n'ya.

"Sigurado ka bang ayos ka lang?"hindi ko mapigilang mag-aalala."Wag kang magsisinungaling sa'kin ha! Ramdam ko yung presensya mo Tayler kaya 'wag mong subukan."sabi ko pa.

"Saka na muna natin pag-usapan."pagkasabi n'ya n'on ay hinahawakan n'ya ang kaliwang kamay ko.

Ginulo ko yung buhok niya tapos ay pinatong ko yung kanang kamay ko sa ibabaw ng ulo n'ya."Ikaw bahala. Hindi naman kita pipilitin eh."sabi ko sa kanya tapos ay nginitian ko pa s'ya.

"Talikod. Pupunasan ko yung likod mo."prisinta n'ya. Lagi nang ginagawa ni Tayler ang pagpunas sa likod ko. Ayos lang naman sa'kin eh.

Kaya naman agad kong ginawa ang pinapagawa n'ya. Naramdaman ko na ang kamay n'ya sa loob ng damit ko. Hindi naman ako gaanong pawis. Medyo nakakapagod yung practice na naganap ngayon. Bawat practice naman ay nakakapagod syempre sayaw doon, ulit dito, hagis doon, sayaw dito tapos repeat everyday. Nakakatuwa din kasi lalo akong nahasa sa pagsasayaw.

Dati kasi medyo matigas yung katawan ko tapos hindi pa'ko gaano kagaling sumayaw pero kaya kong magkabisado ng steps. Ngayon naman lumambot na yung katawan ko sa ginagawa naming stretching at pagsasayaw. Pero sa tuwing ihahagis nila ako nakakahilo, umiikot mundo ko eh.

Naramdaman kong nilabas na ni Tayler yung kamay n'ya sa loob ng damit ko kaya humarap na'ko sa kanya."Hindi ka ba magpapalit ng damit?"tanong n'ya.

"Hindi na."sagot ko."Tinatamad na'ko eh."sabi ko pa.

"Ilagay mo na 'yang mga 'yan sa bag mo tapos umalis na tayo."sabi n'ya naman.

Agad kong ginagawa yun. Matapos kong ilagay ang lahat ay binitbit na ni Tayler ang bag ko tapos ay naglakad na kami palabas ng gymnasium ni Tayler. Magkahawak ang mga kamay namin. Napapaisip na naman ako at naku-curious din. Gusto ko ng malaman kung bakit kaya nagkakaganito si Tayler. Medyo tahimik kasi s'ya. Sanay naman na'ko na tahimik s'ya pero kasi iba yung ngayon.

Nakarating na kami sa parking lot ng school. Pinagbuksan ako ni Tayler ng pinto ng passenger seat kaya agad akong pumasok at umupo na. Yumuko na lang ako bilang pasasalamat pagkatapos ay sinara n'ya na yung pinto. Pumasok na rin s'ya. Nilagay n'ya na yung mga bag namin sa back seat tapos ay nagsimula na s'yang mag-drive.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Место, где живут истории. Откройте их для себя