CHAPTER 48

1.3K 71 1
                                    

Maxine's POV.

Araw ngayon ng lunes. Kahapon ay may practice kami ng pageant. Pinilit ko n'on na mag-focus dahil iniisip ko ang nakita ko d'on sa bahay ni Tayler. Ayaw ko muna s'yang makita pero kahit anong gawin o sabihin ko ay makikita at makikita ko pa rin s'ya.

Pinilit ko ang maging masiyahin dahil baka magtaka si kuya. Buti nga kahapon ay 'di n'ya ko napansin na umiyak. Gabi ng sabado at gabi ng linggo ay umiyak lang ako. Lagi kasing pumapasok sa isip ko yung nangyari. Ang akala ko iba si Tayler sa mga nakilala ko pero nagkamali na naman ako.

Medyo nahirapan akong magpanggap na okay sa harapan ni kuya o tuwing mag-uusap kami dahil ang mata ko ay namamaga dahil sa kakaiyak. Hanggang ngayon ay maga pa rin ang mga mata ko dahil hindi ako tumigil sa pag-iyak. Kada-gabi ay umiiyak ako.

Tanging ang unan ko lang ang may alam kung gaano ako nasasaktan. Unan ko lang yung kayakap ko. Unan ko lang yung nakakapagpatahan sa'kin. Iba yung sakit na dinala sa'kin ni Tayler. Hindi ko dapat hinayaan yung puso ko na mahulog sa kanya pero marupok ako e.

Nandito na'ko ngayon sa school. Naka suot ako ng jacket na itim at mask na itim, mukha akong balik diba? Next week na ang practice namin sa cheer dance tapos 'di ko pa naayos ang schedule ko. Maaga pa kaya nagikot-ikot ako dito sa loob ng school.

Hanggang sa makarating ako sa isang pader na may pintuan. Nang pihitin ko ang door knob ay bumukas kaya naman pumasok ako. Bumungad sa'kin ang isang building na mukhang abandonado. Puro matataas na puno ang narito.

May ganito pala dito sa loob ng school? Tutal malaki naman ang school na'to at mukhang hindi ko pa naman nalilibot lahat.

Pinagpatuloy ko lang ang paglilibot. Hindi ako makaramdam ng takot dahil sinakop ng sakit ang buong katawan ko. Pumasok ako d'on sa abandonadong building. Puro alikabok at sapot ng gagamba ang nandito. Tumigil ako sa second floor ng building at isa-isang tinignan ang room. May isang kwarto ang nakapukaw sa mga mata ko kay pumasok ako d'on.

Puro sulat ang paligid gamit ang spray. Madami din sira-sirang upuan. May nakasulat din sa black board pero hindi na ito mabasa. Tinanggal ko ang face mask ko. May isang picture na nakadikit sa gilid ng black board. Mukha itong class picture. Biglang nahagip ng mata ko si Tayler, Damon, Justine, Cairo, Liam, Lairus, Zack at Kurt magkakatabi pa sila.

Si Tayler ay hindi nakangiti habang ang iba ay wagas kung ngumiti. Nakaakbay pa si Damon at si Justine kay Tayler. Kahit sa picture ay 'di n'ya magawang ngumiti kahit kaunti. Magkakakaklase siguro sila dati kaya mayroong ganito.

"Room siguro nila 'to dati." sabi ko. Bigla na lang may pumatak na luha sa mga mata ko."Naiiyak na naman ako."tumawa ako konti at pinunas ang luha ko. Tinignan ko ang oras sa relo ko."Kailangan ko nang bumalik. "pagkasabi ko n'on ay lumabas na'ko ng room na 'yon.

Nakababa na'ko ng building at lumabas na ng pintuan na pinagpasukan ko kanina. Mukhang nakakatakot pero hindi ko maramdaman 'yon. Sinuot ko na ulit ang face mask ko at sinuot ko rin ang hoodie ng jacket ko.

Nadaan ko si Zerene pero mukhang hindi n'ya ako namukhaan. Umakyat na'ko ng building. Pumasok na'ko ng room. Wala si Tayler at Damon. Nandito na yung bagong classmate namin na si Axill

"Hey, bakit ka nakabalot may pinagtataguan kaba?" tanong sa'kin ni Axill.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon