CHAPTER 134

929 32 3
                                    

Warning⚠️:18+

Maxine's POV

Matapos ng celebration ng birthday ni Tayler ay inihatid n'ya na ako dito sa bahay. Nag-text sa 'kin si kuya na aalis s'ya. May lakad na naman yung siraulong 'yon. Hapon na nang matapos ang birthday ni Tayler. Nag-enjoy ako at gan'on din naman s'ya. Kitang-kita ko sa mga ngiti n'ya kung gaano s'ya kasaya. Kahit tipid na nga ngiti lang ang nakita ko kay Tayler kanina ay sapat na. Nandito kami sa salas, nakaupo.

Magkaharap lang kami at mukhang magtititigan lang."Sa banyo lang ako."nagsalita na ang loko. Tinanguan ko lang s'ya sa sinabi niyang 'yon.

Pagkaalis ni Tayler ay may biglang nag-text."S'ya na naman?"sabi ko.

(1) Received Message

From: Mystery.

"Hello, sugarpie!!! Ang saya nung celebration nag-enjoy ako!"

Nagulat ako nang mabasa ko ang text message ngang 'yon."Teka? Kasama ba s'ya d'on? Sino naman s'ya? Ang mga lalaki lang naman kanina ay si Tayler, Cairo, Justine, Liam, Ian at Axill. Sino naman ang nagpapanggap sa kanila na Mystery?"sabi ko habang nagiisip kung sino ba sa kanila si Mystery.

Compose Message

To: Mystery

"Teka sino ka ba talaga? Imposible namang si Tayler ka dahil magkalayong-magkalayo kayo ng paraan sa pagte-text. Imposible rin namang si Justine ka dahil wala pang pakealam sa babae 'yon. Imposible din na si Cairo or Liam ka dahil mayayari yung dalawang 'yon kay Tayler kapag nalaman n'ya na pinaglalaruan mo 'ko? Hindi ka rin naman si Ian dahil alam kong may gusto pa 'yon kay Sunny at hindi ka din naman si Axill?"

Sent.

(1) Received Message

From: Mystery.

"Isa ako sa mga nabanggit mo hanapin mo na lang HAHAHAHAHA. Mamayang gabi na tayo mag-text my love dahil may gagawin pa 'ko byeeee!!!"

"Bising-busy ka d'yan sa ka-text mo sino 'yan?"narinig ko ang boses ni Tayler sa likuran ko.

Agad kong i-off yung phone ko."Ah w-wala 'to. Wrong text message lang."palusot ko. Umupo si Tayler sa tabi ko at pasimple ko s'yang niyakap."Na-miss kita."

"Pero hindi kita na-miss."sabi n'ya. Humiwalay ako sa pagkakayakap at pinalo ko s'ya sa braso."Just kidding. I miss you too."pagkatapos n'yang sabihin 'yon ay niyakap n'ya ako."Sabi na't babalik ka rin."

"Psh! Oo na panalo ka na naman."masungit na sabi ko."Natiis mo 'ko ng gan'ong katagal?"tanong ko sa kanya.

"Oo."agad naman s'yang sumagot."Alam ko naman na babalik ka kaya mas minabuti ko na lang na maghintay kesa naman na pilitin kita. Not all the mans in this world will fight for their love life. Because they just choose to stay and wait and because they know that their lovers will comeback, like us and besides in that way, the woman can think because she have a time to think if she still love her boyfriend."mahabang sabi ni Tayler.

"Besides pala sa pagiging gangsters may alam ka rin pala sa lovelife."sabi ko

"Hindi lang pagiging gago ang alam ko."-Tayler."May gusto ka bang gawin?"tanong n'ya pa sa 'kin.

Nagisip-isip muna ako. Bigla akong humiwalay sa pagkakayakap namin."Gusto kong maglaro."sagot ko d'on sa tanong n'ya.

"Minsan may pagka-isip bata ka."pangangasar n'ya."Anong gusto mong laruin?"nagtanong pa s'ya ulit.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon