CHAPTER 28

1.7K 81 1
                                    

Tayler's POV

Nang makabili kami ng ticket ni Maxine ay pumasok na kami sa loob. S'ya ang hinayaan kong pumili ng panonoorin namin. Sa may bandang dulo kami ni Maxine dahil punuan.

Tumahimik na ang lahat ng magsimula na ang palabas. Hindi ako makapag-focus sa pinapanood namin dahil d'on sa sinabi ni Maxine kanina. Kaya ko s'yang ipaglaban. Ilang beses na akong nakipaglaban at kahit kailan ay 'di pa'ko sumuko.

Unang-una palang ay akin na si Maxine. Nawala lang s'ya sa ala-ala ko dahil sa car accident na nangyari sa'kin dati. Naramdaman ko ang ulo ni Maxine sa balikat ko kaya napalingon ako.

Nakatulog na naman s'ya, siguro ay napagod s'ya ngayon. Habang tulog s'ya ay kinuha ko ang kamay n'ya ay hinawakan 'yon.

"Maalala mo din ako Maxine at kapag nangyari 'yon magpapakilala na'ko sayo, ipapakilala ko na sayo ang totoong Tayler Lucas Fuegeras." bulong ko.

---------------------------------|

Hanggang ngayon ay tulog pa rin si Maxine. Nakasakay s'ya sa likod ko kanina sa sinehan palang hanggang ngayon papunta na'ko sa parking lot para mauwi ko na s'ya.

Nang makita ko ang kotse ko ay agad kong binuksan ang pintuan ng passenger seat. Nang mabuksan ay dahan-dahan kong hiniga si Maxine.

Sumakay na rin ako at sinimulan ko na ang pagda-drive. Hindi s'ya nagising mula pa kanina, siguro ay grabe ang pagod nito.

Unang kitang ko palang kay Maxine may kakaiba na dahil s'ya pala yung babaeng pinangakuan ko na pakakasalan ko balang araw

"Aminado na'ko na may gusto na'ko sayo Maxine kaya hindi ako papayag na mauunahan ako ni Damon." sabi ko.

Nakarating na kami sa bahay ni Maxine kaya ginising ko na s'ya. "Maxine wake up nandito na tayo sa bahay n'yo."

"T-tayler? S-sorry kung nakatulog ako hehehe." nagising na s'ya.

"Ayos lang 'yon." nginitian ko s'ya.

Tatanggalin ko na sana yung seat belt ko ng hawakan ni Maxine ang baba ko at hinarap n'ya ang mukha ko sa kanya.

"Thank you!" pagpapasalamat n'ya.

Kinakabahan ako.

"W-welcome." nginitian ko s'ya.

"Nag-enjoy ako hihihi thank you ulit, good night iyakin!" pagkasabi n'ya n'on ay bumaba na s'ya ng sasakyan.

-------------------------------------------------------------

Maxine's POV.

Hinintay ko muna ulit makalayo si Tayler bago ako pumasok ng bahay. Nang makalayo na s'ya ay pumasok na'ko. Feeling ko namumula pa rin yung pisngi ko.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Where stories live. Discover now