Chapter 21: The Pandora's Box (Part 1)

277K 10.5K 7K
                                    

CONTENT AND TRIGGER WARNING: This chapter may contain content that might be troubling to some readers, including, but not limited to, depictions of and references to death, self-harm and suicide, graphic violence, sexual assault, strong language and more.

Please be mindful of these sensitive themes and other possible triggers. Remember to practice self-care before, during and after reading.

 Remember to practice self-care before, during and after reading

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

LORELEI

THE SOUND of the school bell marked the end of today's General Mathematics lesson. My classmates had been excruciatingly waiting for this moment due to the series of extremely difficult math problems. Parang nabunutan ng tinik sa lalamunan at nakahinga nang maluwag ang karamihan nang narinig ang tunog na 'yon.

Standing before the whole class, Sir Jim Morayta cleared his throat. "Don't forget that we will have a long quiz tomorrow. Class dismissed!"

Isa-isang nagsitayuan ang mga classmate ko habang binubura niya ang mga nakasulat na komplikadong equation sa board. Halos duguin na ang ilong ng ilan sa amin kanina. Ako? Medyo sumakit ang ulo ko pero naintindihan ko naman sa huli kung paano kunin ang tamang sagot.

I put my hard cover notebook and pen in my bag. Tinanong ako ng seatmate kong si Rosetta kung sasabay ako sa kanila, pero tumanggi muna ako. Meron pa kasi akong daraanan. Palabas na sana ako ng classroom nang may biglang tumawag sa pangalan ko.

"Lorelei, a moment please?"

Agad akong tumalikod at lumapit sa teacher's desk kung saan inaayos niya ang kaniyang mga gamit. May kaunting kaba sa dibdib ko. Did I do something wrong in the class that prompted him to call my attention?

"Ano 'yon, sir?"

He placed the pile of books on the desk before turning to me. I could not clearly see his brown eyes because the lens of his eyeglasses reflected the light outside. "I hope you don't mind me asking. Kumusta na si Loki?"

Gulp. I did not expect him to ask about that guy. Nitong mga nakaraang araw, bukambibig ng maraming estudyante sa Clark High ang pangalan ng roommate ko. Halos mag-trending nga siya sa social media, pero hindi sa magandang dahilan.

"He's . . . doing great." 'Yon lang ang nasagot ko sa kaniya. That was the truth after all. Hindi siya dinapuan ng kahit anong sakit, pero bumubuti na ang kondisyon niya. Halos bumalik na nga siya sa dati niyang attitude.

"Pasensiya na. Medyo nagdadalawang-isip nga akong itanong sa 'yo, pero hindi ko mapigilang mag-alala." Concern was etched on my teacher's face. His voice also sounded sincere. "I heard na nasa ospital pa rin si Stein. Unfortunately, he's still unconscious. Wala raw makapagsabi kung kailan siya magigising."

Dalawang linggo na ang nakalilipas mula noong insidente sa é. Due to the blunt force trauma on his head, Stein Alberts a.k.a. Moriarty had been in coma since then. The news about Loki assaulting him spread like wildfire dahil sa mga estudyanteng nasa coffee shop noong araw na 'yon. Nakuhanan nila ng video ang nangyari at ipinost pa sa social media.

Project LOKI ②Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon